Chapter 5

910K 14.7K 2.5K
                                    

 Dedicated ulit kay Ysa kasi sya na naman nag-effort ayusin mga typo ko! Hihihi! Thanks girl! Mwauhugs! 

 Chapter 5

Sitti's P.O.V

          "Hindi yan!"

          "Ang baduy!"

          "Panget!"

          "Laswa!"

          "Ano ba?! Umayos ka nga ng pagpili mo!"

          Nakakainis talaga yung mayabang na Kaizer Buenavista na 'to! Siya na nga may atraso sa akin, siya pa may lakas ng loob magreklamo?! Huh! Ayos! Kapal talaga ng mukha niya! Tinalo pa yata nya yung aspalto sa kapal niya eh! Asarrr!

          "Ikaw na kaya mamili sa akin para di ka na nagrereklamo't naka-upo dyan?!" inis na sabi ko sabay hagis sa mukha nya nung last na damit na pinakita ko sa kanya.

          Kanina pa ako inis na inis sa tao na 'to—ay hindi pala. Mula pala ng makita ko ang lalaki na 'to, inis na ako sa kanya.

          'Tanga mo kasi Sitti! Ayusin mo kasi mga pinagpopost mo sa Facebook! Ayan! Yan ang napala mo! Ang sunga mo kasi!' pinapagalitan ko na sarili ko sa sarili kong kagagahan.

          Argh! Nakakainis! Saan ba nakakabili ng time machine para maayos ko na yung MALAKING pagkakamali ko?!

          Inis na binato sa kung saan ni yabang yung damit na hinagis ko din sa kanya saka tumayo at tumingin sa mga damit na nakadisplay sa shop na 'to.

          Siya nga pala, matapos naming mag-almusal sa bahay—kahit na labag na labag sa loob kong pakitaan siya ng hospitality kanina—nagpaalam siya kay Mama na may "date" daw kami at kung pwede daw ba akong ilabas.

          Pinandilatan ko na naman si Mama kaya lang, wala pa ding effect yung panlalaki ng mata ko. Siguro hindi ganoon kalaki yung mata ko kaya itong si Mama grabe makatulak sa akin palabas ng bahay.

          Wala akong balak harapin yung Lola ni yabang at wala din akong balak harapin yung buong angkan nya.

          Isipin mo na lang, mayabang na siya, paano pa kaya yung buong pamilya niya?

          Hindi naman sa nanghuhusga ako o ano. Pero kasi, di ko maiwasan eh!

          Alam niyo naman yung kasabihan na: "Kung anong puno, siya ang bunga." So 50-50 ang chance na magka-ugali yung pamilya ni Kaizer yabang at si yabang mismo.

          "Ito! Isukat mo 'to!"

          Nagulat ako nung bigla nyang ihagis sa pagmumukha ko yung damit na hinablot niya sa may rack. 

          Inis kong inalis sa mukha ko yung damit tapos nakita ko yung malapad na ngisi sa labi nung loko.

          'Gumaganti siya!' sa isip ko.

          Ibabato ko ulit sana sa kanya yung damit na binato niya sa akin kaya lang nakarinig ako ng umubo sa likod ko. At paglingon ko, nakita ko na yung sales lady na um-aattend sa amin na nakacross arms at nakataas na ang kilay.

          "Sir, Ma'am, kung wala po kayong balak bumili ng mga paninda namin at magbabatuhan na lang dito hanggang sa ma-ubos yung mga display naming damit, libreng-libre po kayong lumabas."

          Hindi na ako sumagot saka nahihiyang pumasok sa dressing room.

          Bago ko tuluyang sinara yung pinto ng dressing room, dinilaan ko yung direksyon ni yabang saka inis na sinara yung pinto.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon