Chapter 13

765K 10.6K 2.3K
                                    

Chapter 13

Sitti's P.O.V

          Tatlong araw na mula nang huli kong makita yung pagmumukha ni Kaizer The Yabang na yun. Tatlong araw na ding nagiging mapayapa ang araw ko at tatlong araw na din magmula nang mawalan ng asungot ang buhay ko.

          Ewan ko ba pero parang himala na lang na nawala sa harapan ko si yabang. I mean, alam nyo yun? Hindi ko naramdaman yung malakas nyang hangin sa school sa loob ng tatlong araw. Ang saya di ba?!

          At yung tatlong araw na yun ang pinaka masasayang araw na yata ng buong buhay ko.

          Isa pa sa nakakapanghimalang pangyayari ay nang mawala na lang yung mga libo-libong notification sa Facebook ko.

          Yung tipong all of a sudden bigla na lang bumalik sa normal yung Facebook account ko. May mga notifications pa din ako, madami pa din yun, pero wala na yung kinalaman sa "issue" tungkol sa "pagkakatag" ko sa maling pangalan ni Kaizer Buenavista na yun.

          Isa pa sa mga pinagtataka ko kung paano ko sya na-tag. I mean, nakapagtanong-tanong ako sa mga "ilang" kakilala ko sa Facebook na kung pwede bang ma-tag yung name ng isang person na hindi mo naman friend.

          Ang sagot sa akin ng karamihan ay hindi daw pwede yun. Saka daw, sa dinadami ba naman ng Kaizer Buenavista sa Facebook, bakit doon pa sa schoolmate ko di ba?

          Pero may ilan namang nagsabi sa akin na posible din daw yun lalo na kung finofollow mo yung tao na yun o di kaya naging friend kayo dati or something.

          Ngayon tuloy napapaisip ako kung paano ba nangyari na na-tag ko yung mayabang na yun sa status ko? Siguro aksidente ko syang nafollow o kung ano man no? Ah basta!

          Balik tayo sa notification ko, wala na akong natatanggap pa ng mga pakialamera at tsimosong notif sa Facebook ko. Puro na lang game request. Candy Crush, Social Empire at kung ano-ano pang games!

          Naiinis ako sa mga ganitong notification eh! Mas nakakainis 'to kaysa sa mga notification na natatanggap ko mula sa mga schoolmates ko noon about dun nga sa issue ko with yabang.

          Yung tipong request sila ng request sa'yo eh hindi ka naman naglalaro noon! Kakairita di ba?!

          So iyon na nga, sa loob ng tatlong araw naging tahimik yung araw ko.

          At ngayong papatapos na yung ikatlong araw ng tahimik kong pamumuhay, nagpasya akong magFacebook muna.

          Namimiss ko din kasi 'to. Halos isang linggong mahigit ko yata hindi nagalaw Facebook ko maging yung Facebook ng ino-OP ko.

          "Ay oo nga!" malakas na sabi ko nang may maalala.

          Agad kong ni-log out yung original kong FB account saka in-open yung FB ng ino-OP ko.

          At tama nga ang hinala ko, dito naman ako natambakan ng mga notification at message. Madami din sya pero mas madami pa din yung natanggap ko nung madikit yung pangalan ko kay Kaizer The Yabang.

          Teka nga bakit pa ba natin sya pinag-uusapan?! Tsk! Nakakainit tuloy ng ulo.

          Una kong chineck yung inbox ko. Saka na lang yung notifications ko.

          Iniscroll down ko yung mga messages. Karamihan sa mga iyon ay galing sa mga readers at fan ng character na hawak ko. Usually mga bati lang yun saka puri sa character ko. Alam nyo na? Mga ginagawa ng mga fan girls at boys na nagbabasa sa Wattpad?

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon