Chapter 50 (Special Chapter)

478K 9.1K 4.4K
                                    

WARNING! Madaming typo! XDD Happy reading!

Chapter 50 (Special Chapter)

Patty's P.O.V

"Miss bakit ang ganda mo?"

"Ano ba! Napakabolero mo talaga Kris! Kahit kailan ka talaga!"

"Hindi ako bolero ano! Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Kapag mga basket player daw, playboy."

"Ako? Playboy?! Sa mukha ko ba naman 'to? Ito ba ang mukha ng manloloko?"

Nakataas na lang ang kilay ko habang pinapanood sya sa panlalandi na naman ng isang kawawang babae.

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko saka pinanood ulit yung panloloko ni Kris.

"Bakit hindi na lang tayo magdate tapos pahingi na din ng number mo para tawagan na lang kita tungkol sa plano ko sa date natin.

"O sige na nga! Ang kulit-kulit mo talaga!"

Nung makita ko na kinukuha na ni Kris yung cellphone nya mula sa bulsa nya, mabilis na akong lumapit sa kanila saka pumagitna sa dalawa.

"Hello Kris!" sobrang sweet na sabi ko sabay harap doon sa babae. "Hi Miss!"

"Oh! Si Miss Popular! What a surprise!"

Hindi ko gusto yung paraan ng pagkakasabi ng babae na iyon sa mga salitang binitawan nya.

Obvious kasi yung sarcasm sa boses nya.

"Oh Patottie! Anong ginagawa mo dito?"

Binalik ko yung tingin ko kay Kris saka sya tinapunan ng masamang tingin.

"Bakit? Anong ginawa ko?!" tanong nya sabay taas kamay ng mga kamay nya sa ere.

"Akin na nga yan!" sabi ko sabay hablot ng cellphone nya na ibibigay na sana nya sa babae.

"Mamaya snatcher pala tong babae na 'to. Wag mo nga binibigay kahit kanino yung cellphone mo!"

"Excuse me?! Me?! Snatcher?! Eh mas mukha ka pa ngang snatcher sa akin eh!"

Isa sa mga code of conduct ko sa bawat araw ng buhay ko ang "Do good everyone. Make peace not war."

Pero pwede ko ding sirain ang conduct ko na iyon dahil hindi ko na matagalan ang kagaspangan ng ugali ng babae nito.

At base na din sa uniform na suot nya, taga-Eigaku sya. Ayoko ko mang maging judgmental pero may sapat na rason naman ako para magjudge ngayon di ba?

"Hoy Miss alam mo bang—"

"O tama na yan!"

Bago ko pa masungitan ang babae na iyon wh humarang na sa aming dalawa si Kris.

Magsasalita pa nga sana ako at papaalisin sya sa harapan ko kaya lang bigla nyang inakbay yung kamay nya sa balikat ko para pahintuin ako sa mga balak ko pa sanang gawin.

"Sige Miss! Next time na lang. Nagagalit na kasi girlfriend ko eh!"

"G-Girlfriend?!" gulat at sabay na sabi namin nung babae.

"Akala ko ba wala kang girlfriend?!" O.A na sabi nung babae.

"Hoy Miss wala akong sinasabing wala akong girlfriend ah! Niyaya lang kita ng date."

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon