Chapter 49

467K 10.6K 2.3K
                                    

Chapter 49

Sitti's P.O.V

Hindi mawala-wala yung ngiti sa labi ko habang tinititigan ko yung isa sa pares ng teddy bear na binigay sa akin ni Kaizer kagabi—I mean kaninang hating-gabi pala.

At sa bawat segundo na lumilipas, mas lalong lumalapad yung ngiti sa labi ko.

Kung hindi ko nga lang naiisip na natutulog na yung kasama ko sa kwarto na si Patty at yung mga kasama ko sa retreat house, magtititili na ako dito sa loob sa sobrang feels!

Ngayon alam ko na yung pakiramdam ng mga babaeng protagonist sa mga story na nababasa ko sa Wattpad. Ganito pala iyon. Ganito pa ang pakiramdam ng na-iin love.

Akala ko noon, yung mga kilig at emosyon na nababasa ko sa mga story ay exaggeration lang ng mga writer. Alam nyo na? For the sake of creative writing? Pero hindi pala.

Ngayong naranasan ko ng ma-in love at kiligin, iba pala talaga ang pakiramdam.

Lumapad na naman yung ngiti sa labi ko saka ko kinuha yung teddy bear na nasa harapan ko saka iyon mahigpit na yinakap, inamoy at mahinang tumili para mabawasan yung feels na nararamdaman ko ngayon. Baka kasi ikamatay ko 'to kapag di ko nilabas.

Matapos kung tumili sa katawan ng kawawang teddy bear na ito, bigla ko na namang naalala yung nangyari sa amin ni Kaizer matapos naming maisuot sa isa't-isa yung singsing na binili ko.

[Flashback]

"Walang iwanan. To infinity and beyond." nakangiting sabi ko sabay tinaas-baba namin sa ere yung mga daliri namin.

Matapos noon bigla kaming natawa sa kabaliwan ng isa't-isa saka namin binitawan ang

daliri ng isa't-isa.

"Salamat ulit dito, TG..."

Ngiti na lang sinagot ko kay Kaizer saka tumingin sa ibang direksyon. Pilit inaalis sa ulo ko yung malakas na tibok ng puso ko, yung singsing, yung date sa hating-gabi at lahat ng dahilan ng pamumula ng mukha ko.

"May ibibigay din pala ako sa'yo."

Muli kong binalik kay Kaizer yung tingin ko saka ko sya nakitang may inaabot na kung ano sa ilalim ng mesa.

At ilang sandali pa nga ay may nilabas syang isang napaka-laking box na may balot na pink wrapper na may heart design saka inabot sa akin.

"Sorry kung di maayos yung pagkakabalot ko dyan. Hindi ako sanay sa mga ganito..."

Napansin ko na namumula din yung pisngi ni Kaizer gaya ng pamumula sa akin habang sinasabi nya ang mga salitang iyon at inaabot sa akin yung malaking box na iyon.

"Huh? Para saan 'to? Tapos na birthday ko ah?" kunot-noong tanong ko.

Biglang bumalik sa normal na masungit na aura yung mukha ni Kaizer saka mas inilapit nya sa akin yung box na inaabot nya.

"Bakit ba ang dami mo pang sinasabi?! Kuhanin mo na lang!"

Magsasalita pa sana ako kaya lang mas nilapit pa ni Kaizer yung box sa akin kaya wala na akong ibang nagawa at tinanggap na lang iyon.

"S-Salamat."

"Buksan mo na."

Muli na namang nagliwanag yung aura nya nang ipabukas nya sa akin yung box.

Alam nyo, sa totoo lang, hindi ako magsasawang titigan yung masaya at nakangiting mukha ni Kaizer kahit na panoorin ko pa sya buong araw. Ang ganda kasi nya tingnan kapag masaya sya—I mean gwapo pala.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon