Hungkag

29 0 0
                                    

Malungkot
Walang gana
Inaantok
Tahimik
nakatingin sa kawalan
Gising kahit nakatunganga
Walang iniisip
Pero marami naiisip bigla bigla
Mabigat pero walang lamang isipan
Anong problema?
Wala..
Walang malaking problema
Sana wag magkaroon ng ganun
Ang tagal na nito
Nakakalimutan ko lang
At kapag naaalala ko to
Parang wala akong nararamdaman kundi kahungkagan
Kahungkagan na nanunuot sa kaloob looban ko
Hindi ko mawari kung saan banda may nawawala
May naiwan o basta lang walang laman
Naiinis ako
Naiirita ako
Wala akong pakiramdam
Pero sa kabilang banda
umaapaw ito
Tara matulog
pero hindi ko magawang payapain ang gising ngunit parang patay na diwa ko

Hungkag

My HeartWhere stories live. Discover now