Para Sa'Yo

23 1 0
                                    

Saan ka man
Mag ingat ka palagi
Hindi man kita kilala
Alam ko malapit na
Hindi mo pa rin naman ako kilala
Alam ko malapit na

Nakakatuwa isipin
Darating ang panahon na makikilala kita
Sana kung dumating man yun magkakilala tayo ng totoo
Makilala kita
Makilala mo ko
Makilala kita sa paraang nabuo ko ang imahe mo sa isip ko
Makilala mo rin ako sa paraang binuo mo sa isip mo
May pagkakaiba nga lang
Mas may detalye ang imahe ko sa mga mata mo kaysa sa imahe mo sa mga mata ko
Nakakatuwa isipin

Kapag tama na ang panahon para sa atin
Magkakakilala tayo
Hindi natin alam kung mananatili tayo sa ideya na binuo natin sa mga isip natin
Pero naniniwala ako espesyal ka
Nararamdaman ko
Hindi man ako espesyal
Sana mapansin mo pa rin ako gaya ng sabi mo
Kapag tama na ang panahon
Kapag nagkita na tayo.
Sana mapansin mo.

Itong likha ko na to
Para sa'yo ito
Kapag tama na ang panahon
Magkikita
Magkakakilala
Mag uusap tayo.

My HeartWhere stories live. Discover now