Chapter 10: Julia's first love

1K 41 1
                                    

7 seven years old
Park (Ibang subdivision, not the same with Kath's)

"Hindi akin 'to! Bigay 'to ng daddy ko!" Bulong niya habang yakap yakap ang unang manika na bigay ng daddy niya na kakauwi lang galing ibang bansa. Usually chocolate pero this year was different. Manika na at hindi siya papayag na makuha nila ito.

"Ah ayaw mo ah!" Sabi ng batang babae, hindi ito ang first time na awayin siya nito, noon din ay muntik na siyang ayawin neto kung hindi siya tinulungan ng bestfriend niyang si Kath.

Likas na mahina si Julia at alam niya yun pero matapang din siya na nakuha niya na siguro sa bestfriend niya.

But now is different wala siyang nagawa kundi yakapin ang teddy bear niya at hayaang saktan ng mga bata.

Sinipa siya nito at sinundan ng mga palo ng mga kasama niyang mga mean din na kaibigan nito.

Sa murang edad ay naging manhid siya physically at umiyak na lang ng umiyak. Hindi niya kasama ang yaya niya dahil nasa leave ito at napilitan naman ang daddy niya na payagan syang umalis magisa dahil sa pagpapacute at dahilang malapit lang sa kanila ang pinuntahan nya.

Maya maya ay tumigil na sila at 'di niya alam kung bakit. Basta naramdaman niya lang na nagtakbuhan na ang mga ito.

Unti unti niyang tinaas ang ulo niya at may nakita siyang panyo.
Inangat niya muli ang mukha niya para makita ang nagmamay- ari ng panyo.

Isang batang lalaki na dahan dahan siyang binigyan ng isang payak na ngiti. 

"Tanggapin mo na 'to, hayaan mo 'di ko na sila hahayaang bully-hin ka." Sabi nito at muling nagbigay ng assuring smile.

Kinuha niya na ang panyo, pinunas sa mga luha niya bago itanong ang mga nakapagpapagulo sa isip niya.

Sa pagkakaobserbba niya ay mukhang kasing edad niya lang ito para maging ganun kalalim at makapagdulot ng kakaibang pakiramdam sa bandang tyan niya.

"Huh? Bakit mo naman gagawin 'yun?" Pertaining to, 'hindi ko na sila hahayaang bully-hin ka.'

"Ah kasi ang ganda mo para bully-hin." Napaiwas siya ng tingin sa napaka straight forward na kausap. Namula ang matatambok niyang pisngi.

"Yiee, nagblush siya." Asar pa nito sa kanya.

"Che!" Sigaw nya sabay palo pa, pero natawa na din siya kasabay ng pag gaan ng loob niya sa kanya.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan nina Julia at Coco.

====∞============================∞

After 3 years
10 y/o

Julia's POV

"Oh bakit malungkot ka na naman?"

"Binully ka na naman ba?"

"May sakit ka ba?"

"Ano ano?"

Pag aalala niyang tanong este pag ooa na tanong niya pala. Nakabusangot lang naman kasi ako.

"Kasi.." Sambit ko.

"Ano bakit?" Tanong niya ulit.

"Aalis na ang bestfriend kong si Kath." Sagot ko while looking down.

"Ah." Bumunttong hininga siya na parang na relief sa sagot ko.

"Hayyy, pusa lang pala eh! Ibibili na lang  kita ulit smile ka na." Dugtong pa niya at ngumiti.

Binatukan ko nga!

"Aray! Bakit ba?"

"Anong pusa? Sabi ko, bestfriend ko si Kath!"

When Mr.Yabang Meets Ms.TapangWhere stories live. Discover now