Chapter 12: Him again; Bipolar

768 45 3
                                    

Monday Morning:
7:00

"Oh my freaking Gosh!" Male-late na yata ako. Si Julia naghihintay na yata.
Nagmadali na akong kumilos, paglabas ko bumagsak ang mukha ko. Naalala kong di pala ako masasabay ni Julia.

Kaya maglalakad na lang ako hanggang sa sakayan ng Jeep. Magcocommute na lang ako.

"Pst!" Napahinto ako sa tumawag sa'kin, kasabay ng paghinto ng kotseng kulay asul sa tabi ko. Tiningnan ko lang 'yun at dumeretso ulit pero nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Sisigaw na sana ako kung di ko medyo namukhaan.

"Kathryn."

"Huh, pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Kathryn, right?" Sagot niya sabay tingin sa baba ko. Naconsious naman ako bago ko tingnan ang tinitingnan niya, ID lang pala.

"Sabay ka na."

"Hindi na, thanks."

"Sige na tutal nagkita na tayo kagabi. I am thinking that we can be friends?"

"Sorry, I dont talk to strangers. Stranger ka pa rin kahit nagkabanggan tayo kagabi at hindi sinasadyang magkita. I dont know you, therefore, estranghero ka pa rin." Mabilis kong sabi dahil malelate na talaga ako saka dumeretso ulit.

"Awts. Pano yan? Stranger pa naman pangalan ko."

Napalingon at napatigil naman ako.

"Seriously?"

"JOKE lang,"

Leche, dumeretso ulit ako.

"Bilis na alam kong male-late ka na."

Stalker.

"Im Enrique, hindi ako stalker sadyang nadaanan lang kita at parang parehas naman tayo ng pupuntahan." Hindi ko pa rin siya sinagot.

Bakit taga FU ka ba?

"Hindi ako taga-Ford." Patuloy niya pa.

Hindi pa rin ako sumasagot.

"Bilis na. Oh 9:00 na." Sabay tingin sa relo niya. Titingin din dapat ako sa relo ko pero naiwan ko pa yata. My gosh, isang oras na ba talaga akong late?

~~

Wala din akong nagawa kundi sumabay. Pagkarating ko sa school bababa na sana ako.

"Wait." Siya bago bumaba, tumakbo at pinagbuksan ako. Eh? Ibang iba kay Dj ah? Hahaha. Lumabas na ako.

"Thank you." At nagmadali na umalis dahil late na nga yata ako. Pero pagtingin ko kaya pala walang tao sa may parking eh kasi nandito sila sa hallway parang nagkukumpulan. Ano bang meron?

Lumabas mula sa kumpulan ang isang lalake nakatungo at nakahawak sa string ng bag. Dala din lahat ng gamit, paalis. Bakit kaya? Kawawa naman.

Dumaan si Kiray kaya hinila ko agad at tinanong.

"Tss. Si DJ kasi mukhang badtrip, ayun nung may nakabangga ay napagbalingan niya ng badtrip, nabigyan ng Blackslip at syempre yung lalaki nakatanggap agad ng mga pagkukutya. Bago pa tuluyang mabully eh umexit na siya este lumipat ng school."

Eh? Bakit kaya badtrip si Bakulaw?Tss. Bat ko ba inaalam?

Lunchbreak.

Lunchbreak na at badtrip pa rin si DJ.

Hindi nakikipagbiruan sa mga lalake.

Hindi nakikipaglandian sa mga babae

at ang mabuti hindi ako pinagtitripan.

When Mr.Yabang Meets Ms.TapangWhere stories live. Discover now