Chapter 13:Love. ECF

620 41 4
                                    

Tuesday
At the library

Kath's POV

     Nandito ang barkada sa library hindi para magbasa kundi para mag ingay. Actually ako ang nauna dito para magbasa talaga at unfortunately sinundan nila ako dito para magingay at manggulo.

Nandito kami sa pinakadulong part ng lib. Yung hindi masyado kita ng librarian at yeah, naisip 'yun ni Neil para makadaldal. Habang nagiingay sila eh nagbabasa ako.

"Oh, DJ andyan ka na pala!" si Diego

Hindi ko ba nasabi na si Dj lang wala. Lumingon ako ng bahagya pero nakatingin din pala siya kaya nagtama ang mga mata namin. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya umiwas agad ako pero nakita ko naman mula sa gilid ko ang pagsmirk niya.

"Guys, kailangan ko ang tulong niyo." Si DJ napuno kami ng tanong sa isip kaya nagpatuloy siya.

"Yung 2nd girlfriend ko nandyan kaya pwede bang may magpanggap na girldriend ko para lang mabreak ko siya?"

"Teka teka ilan ba gf mo DJ?" Juls. Yeah, siya lang din naman inaasahan kong magtanong dahil siguradong alam na nila Yen. Tagal na nilang tropa 'yun. Pag ako naman baka kung ano isipin 'non. Alien pa naman 'to.

"Parehas lang kami ni Diegs mas marami lang sakin ng lima, 20 akin sa kanya 15, si Neil dati mas matinik hahaha!" Proud niya pang sabim

"Yabang." Bulong ko.

"Joke lang nabreak ko na yung iba tatlo na lang natira tas magiging dalawa sa tulong niyo." Sabay ngiti niya pa ng pang inosente, bwiset!

Tiningnan naman ng masama ni Juls si Diegs.

"Oh nabreak ko na silang lahat bago ako manligaw sayo." Depensa naman ni Diego.

Nagulat kaming lahat dun. Lalo na alam naming hindi pa masyado nakakamove on si Juls.

Tiningnan ko si Juls at..

"Uhm, sorry guys di ko nasabi hehe.."
Si Juls na parang nahihiya.

"Whoah bagong buhay na Diegs!" Si DJ.

Ikaw na lang naman playboy dito. Proud pa tss, yabang!

"Aba kasalanan ko bang sobrang gwapo ko?"

Amp nalakasan ko pala yung nasa isip ko.

"Ang hangin wooh! Sana matangay ka!"

"Papunta saan, sa piling mo?" May pataas taas pa siya ng kilay. At ngiting pang alien.

Yuck.

"Hindi palayo sa'kin, papuntang Mars kung saan ka nararapat, alien!"

"Tong mukhang 'to alien?!" 'Di pa siya makapaniwala.

Bakit? Bipolar siya. Lakas maka mood swings, tas puno pa ng kayabangan na nagiging hangin ang utak niya. Kulang na lang lumobo ulo niya katulad ng alien hahaha! Pinigilan ko namang tumawa sa pinag iisip ko. Huhu! Alien na din yata ako.

"Saka sila naman yung nanliligaw. Gwapo at hot ko daw kasi para maging alien."

"Gwapo, hot? San banda?" At nag smirk din ako sa kanya kala niya siya lang magaling mangpikon ah?

"Kath, hindi mo ba ba narerealize yung kagwapuhan ko?" Lumapit naman siya sa'kin. Napapigil naman ako sa paghinga.

"Gusto mo iparealize ko sayo?" Mas nilapit niya pa yung mukha niya sakin saka kumindat.

"Tse!" Sabay tulak ng malakas sa mukha niya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malayo na siya. "Di ko talaga marerealize kasi wala namang dapat marealize."

When Mr.Yabang Meets Ms.TapangWhere stories live. Discover now