#23 (=^_^=)

4.5K 43 2
                                    


~~~~~~~~* BLAZEN POV..

Naka ilan ring pa bago sagutin ni fritzie ang tawag ko at sa wakas ay nasagot nya na rin kaya na pangiti ako.

[hmm..hello]

"Hello fritzie nakakaistorbo ba ako?"

[Tss....hindi naman pero kasi nasa back stage ako at may ginagawa din. bakit?]

"Ganon ba. I wanna talk to you if you have time fritzie?"

Biglang syang tumahimik at narinig ko na lang ang malakas nyang buntong hininga bago mag salita

[K. Mag kita na lang tayo sa likod ng building doon sa may punong malaki na may duyan alam mo naman siguro yun diba?]

Muli akong napangiti dahil hindi sya tumanggi sa gusto kong mangyari kaya naman ay hindi na ako nag dalawang isip.

"Thank you. Pupunta na ako"

[Whatever bye...]

At agad nya itong pinutol. Naka ngiti ako habang binaba ang phone ko at ibinalik ko ito sa bulsa ko.

Nag lakad ako palabas at luminga linga sa dinaraan ko at bawat madaraan ko ay mga bumabati saakin na istudyante kaya naman tinatanguan ko lang at ngumiti din.

Alam kong mali ang ginagawa ko na yayain makipag kita kay fritzie at makipag usap na kaming dalawa lang.

Darating din ang araw na may makakaalam din ng tungkol dito pero hindi ko hahayaan yun. Dahil ayaw kong masaktak si fritzie lalo na kung ano ang sasabihin ng boyfriend nya.

Sa ngayon ay wala muna akong pake ang gusto ko lang ay ang makausap at makita siya dahil feeling ko ay namimiss ko sya kahit wala naman talaga KAMI.

Nag tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad at ilan hakbang na lang ay mararating ko na rin ang punong may duyan.

"Hi sir blazen" - malanding bati saakin ng isang istudyante ko

"Hi" - naka ngiting bati ko sa kanya at nakita ko naman na kinilig.

Tss....

"Kyahhh narinig mo yun arwani binati ako ni sir blazen."

"Tanga natural katabi mo ako kaya narinig ko yun yoshie."

"Grabe ang gwapo nya nu girls"

"Sinabi mo pa lydia kahit mas ahead sya saatin at prof natin parang kasing edad lang natin sya yiiieeehhh baby face kasi."

"Waaaaahhhh ang swerte ng girlfriend nya"

"Awwwts na heart broken ako-...aray naman yoshie"

"OA mo tara na nga"

Tss..nakakasawa sa kanila ang paulit ulit na sinasabi pag dumadaan ako.

Luminga linga pa ako at sinigurado ko na walang makakakita saakin na mag pupunta ako sa puno. Dahil mahirap na at baka may makakita saakin lalo na kay fritzie

Pagdating ko at ay agad tumambad ang magandang likuran ni fritzie habang naka tayo at mukhang may kausap pa ata sa phone.

Lumapit na lang ako sa gawi nya habang naka ngiti parin pero nawala ang ngiti ko dahil sa narinig ko.

"Yes troian....whatever hahaha...K fine after a minutes pupunta na ako dyan...bye hahaha....sira sige na ibaba kona...hahaha ok i love you too."

Nanlumo ako dahil sa huling sinabi nya at kinurot ang puso ko. Pinilit ko parin ngumiti para ipakita sa kanya na okay lang ako kahit alam ko naman na hidni nya naman ako kakamustahin.

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang