#29 (=^_^=)

3.9K 38 4
                                    


~~~~~~* THIRD POV..

Nakaramdam ng gulat ang dalagang si fritzie dahil sa nakita nya sa paligid lalo na nung tumingin sya sa stage. Nag tama ang tingin nila friztie at blazen pero agad din nag iwas ang binata

Tumapat ang malaking spot light sa dalawang couple na hanggang ngayon ay nasa gitna parin ng quadrangle. Isinangga ni fritziw ang kamay nya dahil sa lakas ng ilaw na tumama sa mukha nya

"Bravooooo....round of applause bravo bravo clap clap clap clap clap...." - biglang panimula ng baklang emcee at pumalakpak pa sya kaya naman ang mga nasa paligid nila ay tumayo at pumalakpak din

Clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clal clap......

dO_Ob

d>__<b

d-___-b

Bigla na lang napayuko ang dalaga habang pinapalak-pakan sila habang ang binatang si troian ang naka ngiti lang.

Hiyang hiya si fritzie dahil sa malamang alamang kanina pa pala sila nakita lalo na nung hinalikan sya ni troian sa labi at masaklap pa don ay nag paubaya sya.

"Nakakainis" - bulong na inis na sabi nya at napakagat labi pa

"Ha? May sinasabi ka ba baby" - takang tanong naman ng binata pero umiling lang ang dalaga sa kanya

"Okay" - anang troian at ngumiti lang ito sa dalaga at hinawakan nya ang baba nito para angatin ang mukha nya

Nang maiangat nya ay agad tumitig ang binata sa mga mata ng dalaga at ngumiti ng matamis. Ginantihan naman sya ng dalaga ng ngiti.

"Come here guys" - tawag ng emcee sa kanila

Agad kumunot noo ang dalawa ganon din ang mga tao ng maupo na pati na rin si blazen na hanggang ngayon ay nasa tabi parin ng emcee at nakatingin sya sa dalagang si fritzie na halatang halata sa mukhang nahihiya

Napatalon ang dalaga dahil hinawakan ni troian ang kamay nito at hinila paakyat sa stage habang naka ngiti parin. Agad nag pahila din naman ang dalaga habang pilit naman ang ngiti nya

Nang makarating sila ay bumungad ang emcee at iilan tao dun na nakangiti sa kanila. Nginitian naman nila ito para hindi halatang gulat sila lalo na ang dalaga

"Just wow guys. Alam nyo ba kung bakit nandito kayo?" - tanong ng emecee at tinapat nya ang mikropono sa dalawa

"Ha? Ah eh" - nahihiyang sagot ni troian sabay napa kamot ng ulo

"Wow ano yan ah eh ih oh uh? Abakada lang ganon ba yon? Ang gwapong binata naku naku. So anong masasabi nyo na ngayon ay nandito kayo sa stage?" - muling tanong nya at napahagikgik pa pati na rin ang mga nanonood at tinapat naman nya ang mikropono sa dalagang naka kunot noo at naka ngiwi

"Actually we don't know why we're here? Ikaw ang nag papunta kaya saamin dito then you asking me kung bakit kami nandito? " - prankang sagot ng dalagang si fritzie at pilit na nilalakasan ang loob kahit ang totoo ay kinakabahan sya

Biglang nag tawanan ang mga taong nasa paligid nila ganon din si blazen na napangiti naman dahil sa kaprangkahan na sagot nito sa baklang emcee.

"Ay, your so bad ganda hahaha eto naman masyadong harsh saakin pero i like your atittude ha. Masyadong prangka atleast hindi ka plastic nu." - natatawang sagot naman ng emcee kaya mas lalong umingay ang paligid

"Hahahahaha" - tawa ng lahat

Napailing na lang ang dalaga at hindi na lang nya ito sinagot. Napatingin sya sa gawi ng binatang si blazen na naka ngiti sa kanya at naka titig pero agad nawala ang ngiti nya ng makita nyang si fritzie ay naka tingin na sa kanya

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon