#25 (=^_^=)

4.6K 45 3
                                    


~~~~~~*

Nag usap kami ni troian pero saglit lang at nag paalam muna ako sa kanya na mag papalit ng dress para sa party at isang oras na lang ay mag uumpisa na ito.

Kinuha ko ang mga gamit ko pati ang paper bag ganon din ang ginawa ni paris. Nag lakad na ako pero napatalon ako dahil kinawit ni paris ang kamay nya sa braso ko.

Ngumiti lang sya sa akin ng pag katamis tamis sabay bumaling sya kela troian pati kela hillary.

"Guys alis na kami bye.." - masayang paalam nya habang naka ngiti parin at tumingin na sya saakin na naka ngiwi naman kaya tinaasan ko sya ng kilay

"What?" - singhal ko sa kanya pero pabulong lang iyon na kami lang dalawa ang nakakarinig

"Mag uusap tayo" - pag didiin nya habang naka ngiwi parin

Hindi ako sumagot at nag tuloy tuloy lang kami sa paglalakad papunta sa ladies room upang mag palit na.

Maya maya pa ay nakarating na nga kami at binuksan nya ang pinto. Nang makapasok kami ay nilock nya ang door at isa isa nyang nilapag ang mga gamit nya

Ganon din ang ginawa ko at iningatan ko ito lalo ang paper bag kung saan naka lagay ang dress ko.

Kukunin ko na sana yung face powder pero agad akong hinawakan ni paris sa mag kabilang balikat at hinarap sa kanya.

Tss here we go.... >__<

"So tell me where have you been fritzie? Hmm i smell something fishy ha" - aniya at inoobserbahan ako gamit ang matalim nyang mata

Napalunok ako ng sunod sunod dahil hindi ko alam ang sasabihin ko dapat ko bang sabihin sa kanya? Pero baka kasi pagalitan nya ako lalo na kung sabihin ko yung ngyari saamin ni blazen

Ngunit Kaibigan ko naman sya baka naman maintindihan nya din at pag sabihan nya lang ako.

Hayss ang gulo i dont know what to do ugh. Buset buset talaga

"Fritzie" - muling tawag nya saakin

"Ha ano yun? May sinasabi kaba?" - kakamot kamot kung ulo pero tinaasan nya lang ako ng kilay

"Lutang ka nanaman ha so ano nga saan kaba galing ha bakit ang tagal mo?"

"Pwede ba paris mamaya na lang tayo mag usap promise i will tell you everything. Sa ngayon mag bihis muna tayo dahil maya maya ay mag sisimula na ang party okay" - mahinahon kong pakiusap sa kanya pero umiling lang ang gaga kaya kumunot na talaga ang noo ko

"No fritzie as in it's a big big No. Just tell me everything and i promise i will keep this as a secret please" - pangungulit nya parin at ako naman ang umiling

"Whatever paris pero pakiusap mamaya na lang ha kasi kelangan na natin mag palit dahil tumatakbo na ang oras. Promise sasabihin ko sayo okay"

"Tsk liar i know you will not tell anything. I don't believe you"

"Gosh paris! nag promise na nga ako diba and you know me once nag kwento ako ay sinasabi ko diba diba diba?"

"Promise?"

"Oo nga ang kulit"

"Promise yan ha"

"Oo nga mamatay man si anikers"

"Hahaha gaga okay aasahan ko yan ha"

"Whatever tara na mag bihis na tayo"

At ayun na nga nag simula na kaming mag asikaso sa mga sarili namin. Pumasok si paris sa cubicle dala ang dress nyang sosootin

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon