#53 (=^_^=)

3.5K 29 9
                                    

~~~~~~* BLAZEN POV..

Alam kong nagulat si fritzie ng makita ko sila habang nag hahalikan. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at medyo galit dahil pakiramdam ko ay pinag taksilan nila ako kahit alam kong wala naman kami ni fritzie. Nakakapag taka pa bakit nag hahalikan sila? Ang pag kakaalam ko wala na sila at tapos na din sila pero ano itong nakita ko? Hindi kaya sila na ulit dahil hindi naman din mag papahalik si fritzie kung okay na sila

Bagsak balikat akong tumitig sa mga mata nya pero sinikap kong ngumiti kahit masakit. Nag lakad ako ng kaonti papunta sa gawi nila at ganon din sila imaxx at reyden

"Kanina pa kita hinahanap" - paunang sabi ko at pilit na ngumiti para hindi bakas saakin na nadismaya ako sa nakita ko

Nakitang hinawakan ni troian ang kamay ni fritzie at pinag siklop nya ito. Napatingin sa kanya ang dalaga at anong gulat ko ng ngumiti sya ng matamis dito sa binata. Agad kumunot ang noo ko sa kinikilos nila

"Ah! S-sorry blazen nag usap kasi kami ni troian" - nahihiyang aniya at napakagat labi pa sya

"Okay lang. Let's go fritzie mag lunch na tayo" - sabi ko at niyaya na syang umakyat sa kwarto para kumain na din

"Uhm blazen i'm sorry ha. Ano kasi k-kay troian na ako sasabay kumain at uhm umuwi din" - nauutal na aniya

"Bakit fritzie? Kayo na ba ulit" - tanong ni imaxx

"Oo nga kahapon lang nag aaway kayo tapos boom hehe" - si reyden naman at napangiwi pa sya

Tumingin muna saakin si fritzie ng saglit tapos tinignan nya si troian na tumango naman at tumango din sya pabalik saka sya muling tumingin saamin dahil nag hihintay kami ng sagot mula sa kanya

"Uhm actually....y-yes kami na ulit" - kinakaban anang fritzie at pilit ngumiti saamin

Hindi ako agad naka sagot dahil sa sinabi nya. Paano at bakit? Paanong ngyari yun dahil kahapon lang naman nag away sila at nag hiwalay tapos ngayon ito ang bubungad saakin and worst is nag balikan na pala sila? Kaya ba nag hahalikan na sila ng makita namin. Ugh! Parang tinusok ang puso ko sa naisip ko hindi ko mawari na ganon kabilis nyang patawarin si troian lalo na nag loko ito sa kanya at kaibigan nya pa ang naging karibal nito pero heto maayos at mukhang masaya ulit sila

"G-ganon ba" - walang gana kong sagot at agad umiwas ng tingin ng makita kong tumitig saakin si fritzie

"Congrats hahaha" - natatawang sabi ni imaxx at nakipag kamayan pa ito sa dalawa na tinanggap rin nila

"Gago umayos ka nga imaxx" - saway nya at bahagyang binatukan nya pa ito kaya nasapo ni imaxx ang ulo nya

"Psh. Ang sakit ha reyden" - reklamo nya pero hindi na sya pinansin ng binata

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Alam kong wala akong karapatan para pag bawalan si fritzie na kung kanino sya sasama. Malamang kay troian na sya sasama dahil okay na sila hindi ko maisip na ganon pala sya katanga! Sorry sa words pero sa nakikita ko ay napaka tanga nya dahil boyfriend at kaibigan nya ay nag karelasyon pero para sa kanya binalewa nya lang yun at wala pa ngang isang linggo okay na ulit sila? Ganyan ba sya katanga pag dating sa pag ibig at kay troian pa na hindi naman karapat dapat dahil niloko nya si fritzie pero tinanggap parin sya ng dalaga

"Kukunin kona lang din yung gamit ko blazen. Maraming salamat sa inyo and sorry sa abala imaxx at reyden din. Uhm sasabay na kasi akong umuwi kay troian mamaya at gusto ko rin kasi na....gusto ko rin kasi na makasama sya na kaming dalawa lang kaya mag papaalam din muna ako kay mama"

"Okay lang yan fritzie hehehe" - singit agad ni imaxx

"Namo ikaw ba si blazen? Umaayos ka nga" - muling saway sa kanya ni reyden

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon