006

1.6K 92 5
                                    

Lauryn's POV

Halos ihagis ko nalang sa bag ko lahat ng kailangan ko para ngayong araw.

Naman kasi si Venz eh! Bakit biglaan!?

Nang mailagay ko na lahat ng gamit ko sa bag, isinukbit ko na ito sa balikat ko at dali-daling bumaba.

" andyan ka na pala anak. Kanina ka pa iniintay nitong sundo mo "- naka ngiting ani ni mama sakin.

Sure akong may halong pang-aasar ang ngiti nyang yan sakin!

" hindi naman po ako matagal na nag-intay Mrs. Kang. Halos kadarating ko lang rin po "- magalang na sabi ni Venz sa mama ko.

" osya, ito ang tinapay iho, baunin mo ha? "- sabi ni mama at inabot kay Venz ang tinapay na ginawa niya.

" salamat po "- pasasalamat ni Venz at tinanggap ang tinapay.

Nang mailagay na ni Venz ang tinapay sa bag nya ay tumayo na sya.

" aalis na po kami Mrs. Kang "- magalang na paalam ni Venz sa mama ko at nag bow.

" alis na kami ma "- sabi ko at hinalikan sa pisngi si mama.

" mag-iingat kayong dalawa! "- pahabol na sigaw ni mama nang nasa pintuan na kami.

Tahimik kaming nag-lalakad ni Venz. Ewan ko ba pero naiilang ako.

Pero syempre kinikilig din ako!

" bat ang layo mo? "- nagulat ako nang mag tanong si Venz at hilahin nya ako papalapit sa kanya hanggang sa mag-tama ang mga balikat namin.

" nahihiya ka ba? "- tanong nya ulit.

" uhm... medyo? "- alangan kong sagot.

" well, sa chat palang naman tayo nakakapag-usap kaya siguro na-aawkwardan ka pa "- natatawang ani naman nya.

" but don't be! We're friends now right? "- ani ulit nya. Tumango naman ako bilang sagot.

Tahimik na ulit kaming mag-lakad hanggang sa nakakita kami ng bukas na fastfood chain.

" okay lang ba na kumain muna ako? "- tanong nya sakin nang huminto kami sa tapat nito.

" oo naman! Yun nga ang dahilan kaya ka pumunta sa bahay eh "- natatawang sabi ko.

Kinamot nya ang batok nya. Ang cute nya mahiya!

" tara na nga "- natatawang ani ko at hinila na sya papasok.

pa-fallWhere stories live. Discover now