016

1.2K 73 5
                                    

Lauryn's POV

Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Naman kasi si Venz eh! Nasa tapat na pala sya ng bahay namin kanina pa!

Agad akong lumabas ng bahay at ni-lock ito at tumakbo papunta sa gate.

" sorry, nag-intay ka ng matagal "- medyo hinihingal na ani ko.

Bahagyang natawa si Venz at umiling.

" it's okay haha. Hinga Lauryn, hinga "- natatawang sabi nya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan.

" tara na nga. Saan ba yung sinasabi mo? "- tanong ko sa kanya at umalis na kami sa bahay.

" basta! Akong bahala "- sagot nya. Hindi naman na ako nag salita pa at nag kibit balikat nalamang.

Maya-maya ay nakita ko syang pumasok sa isang parang restaurant.

" kaninang umaga lang to nag-open. Buti nalang wala na gaanong tao. Tara "- sabi nya at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinila.

Napa tingin ako sa kamay naming magka-hawak at kay Venz. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Napa-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.

" table for two please "- narinig kong sabi ni Venz sa babae.

Agad naman kaming iginuide nito sa isang table.

" enjoy your dinner ma'am and sir "- naka ngiting ani nito saamin. Nginitian ko sya at umalis na ito.

" kukuha na ako ng pagkain natin "- sabi ni Venz saakin. Tumango naman ako at umalis na sya.

Nang wala na sya, napa sandal ako sa couch na kinauupuan ko at pumikit.

Bigla namang nag flash yung nangyari kanina. Yung hawak hawak nya ang kamay ko. Napa-mulat ako at napa-hawak sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito.

" ito na ang dinner natin "- napa-angat ako ng tingin nang mag salita si Venz.

Inilapag nya ang dalawang plato sa lamesa.

" yan muna ang kinuha ko, baka kasi hindi mo magustuhan yung iba "- sabi nya at kinamot ang batok na parang nahihiya.

Bakit ang gwapo gwapo mo kapag ginagawa mo yan Venz?

Wait- what did i just said?

" okay lang. Pwede naman akong bumalik doon. Thank you "- naka ngiting pasasalamat ko sa kanya at hinawakan na ang tinidor at kutsara ko.

" kain na tayo "- sabi ni Venz at nag simula na kaming kumain ng tahimik.

Napa hinto ako nang may matanaw akong pamilyar na imahe sa di kalayuang table. Parang kararating lang nila.

Isiningkit ko ang mga mata ko para mas maaninag ko ang mukha nito at nanlaki ang mata ko nang mapag-tanto ko kung sino ito.

" omg, si Serene-unnie ba yun? "- tanong ko at itinuro ang dereksyon niya gamit ang tinidor ko.

Agad naman na lumingon si Venz sa tinuro ko.

" si Serene nga. Kasama si West "- sagot nya at umiling.

" anong ginagawa nila dito? Napapadalas pag labas nilang dalawa these past few days "- ani ko at kumain nalang ulit.

" kaya nga eh, malay mo naman friends lang "- kibit balikat na sagot naman ni Venz.

I shrug a bit at kumain nalang rin ulit ng tahimik.

Habang kumakain kami, naalala ko nanaman yung babaeng nag chat sakin na girlfriend daw sya ni Venz. Hindi naman sinagot ni Venz ang sagot ko kung girlfriend nya nga ito.

" Lauryn? You okay? Bat hindi mo na ginagalaw pagkain mo? "- napa kurap ako nang marinig ang boses ni Venz.

Napa-hinto pala ako sa pag kain?

" i'm fine "- naka ngiting sagot ko at kumain na ulit.

" Venz? "- tawag ko sa kanya.

" ano yun? "- sagot naman nya habang kumakain.

Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong sa kanya iyon o wag na.

Magkaibigan naman kami diba? Okay lang na itanong ko sa kanya ang ganun bagay hindi ba?

Huminga ako ng malalim at pumikit.

" girlfriend mo ba talaga yung Yumi? "- kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Napa-hinto naman si Venz sa tanong ko kaya napa iwas ako ng tingin.

" wala akong girlfriend Lauryn "- natatawang sagot nya sakin.

Hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi nya

pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon