037

1.2K 61 45
                                    

Lauryn

Almost lunch time na, hindi parin kami nakakapag-usap ni Venz.

Ano ba kasing nangyayare sa lalaki na yun!?

After kong mag confess bigla-bigla nalang syang lalayo!? Akala ko ba gusto nya rin ako!?

Napa tigil ako sa ginagawa ko nang makita ko si Venz na lumabas ng classroom nila.

" Venz! "- tawag ko sa pangalan nya.

Huminto naman sya sa pag lalakad at bahagya lang na lumingon. As in bahagya lang! At itinuloy na ang paglalakad.

" Venz! "- tawag ko ulit sa pangalan nya at tumakbo papunta sa kanya.

Hindi sya huminto at tuluy-tuloy lang sa paglalakad.

Medyo binilisan ko pa ang pag takbo papunta sa kanya at agad na hinawakan ang braso nya nang maka-lapit ako.

" Venz "- hinihingal na sabi ko habang naka hawak sa kamay nya.

Tinignan nya lang ako at tinanggal ang kamay ko na naka hawak sa kamay nya at nag lakad.

" Venz! Ano ba! "- hindi ko na napigilan ang sarili kong mapa sigaw sa inis at hawakan ulit ang kamay nya para pigilan syang maka-alis.

" ano bang kailangan mo? "- walang gana na tanong nya at inilagay ang mga kamay sa bulsa.

" lunch na, may utang akong lunch sayo right? Kasi talo mo ako sa dance battle kahapon "- ani ko.

Siguro hindi tama na dito ko sabihin sa kanya ang tungkol sa pag confess ko at kung ako na kami.

" hindi ko kailangan ng libreng lunch mo. Kaya kong bumili "- ani nya at humakbang na paalis. Hindi pa man sya nakaka-layo ay hinawakan ko ulit ang braso nya.

Tinignan nya ako na para bang naiinis na sakin.

" a-ano bang nangyayare sayo "- naiiyak na tanong ko sa kanya.

" m-may nagawa ba ako? Ano? "- tanong ko at feeling ko, anytime ay tutulo ang luha ko.

" sabihin mo naman sakin oh "- at doon na tumulo ang isang luha sa mata ko.

He gave me a disgusting look at binawi ang kamay nya na hawak ko.

" stay away from me. Tapos na ako sayo. Nanalo na ako. Tigilan mo na ako "- walang emosyon na sabi nya habang naka-tingin ng deretso sa mga mata ko.

" a-akala ko ba g-gusto mo ko? "- tanong ko at pinunasan ang pisngi ko.

" sinabi ko lang yun para mag confess ka. Hindi talaga kita gusto "- sagot nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tumalikod na sya sakin at umalis.

Totoo nga yung sinabi ni Yumi.

Totoo nga yung sabi nila unnie.

Naniwala dapat ako sa kanila.

pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon