end

2.1K 93 18
                                    

Lauryn

Iniintay ko ngayon si Venz sa tapat ng room nila. I need to talk to him. Again.

Naka yuko lang ako habang iniintay sya.

One last try Lauryn. Last one

Ani ko sa sarili at iniangat ang tingin. Napa lingon ako sa hallway at doon ko nakita si Venz.

Umayos ako ng tayo at hinarap sya.

Yung mata nya na nawawala kapag naka-ngiti sya, parang ang lamig lamig ngayon.

Yung ngiti nyang nakaka tunaw naging isang ngisi ngayon.

Ano bang nangyayare sayo Venz?

" V-venz "- nauutal na tawag ko sa kanya nang nasa harap ko na sya.

Pinasadahan nya lang ako ng tingin at akmang papasok na sa classroom nya nang hawakan ko ang kamay nya.

" Venz naman, mag-usap tayo ng maayos "- halos pag mamakaawa ko na sa kanya.

" anong maayos na usapan pa ba ang gusto mo Lauryn? Maayos naman yung pag-uusap natin ah "- animo'y bored na sagot niya.

" we need to clarify things out, alam kong banggag ka lang kaya mo sinabi yung mga yun kahapon- "- hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ngumisi sya.

" ano pa bang hindi malinaw sayo Lauryn? "- ani nya.

" ano pa bang hindi malinaw sayo na hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan? "- tanong nya sakin while looking at me straight in the eyes.

" ah, alam ko na kung anong pag lilinaw ang gusto mo "- ani nya at nag snap pa sya.

" okay. Kaya kita nilapitan at kinausap nung lumipat ka dito, kasi may pustahan kami ni West "- panimula nya. Napa hinto ako sa sinabi nya.

" didiskartehan ni West si Serene. Ako, sayo. Kung sino ang unang aamin sa inyo panalo kami "- pagpapatuloy nya. Para bang kutsilyo ang mga salita nya na unti-unting tumutusok sa puso ko.

Pati si West. Sinaktan si Serene-unnie.

" mabagal kasing dumiskarte si West kaya ayun, natalo ko sya sa pustahan- "- hindi na natapos ni Venz ang sinasabi nya nang dumapo sa pisngi nya ang palad ko.

" so ganun nalang yun? "- punung-puno ng sakit na tanong ko habang may tumutulong luha sa mga mata ko

" akala nyo ba hindi kami masasaktan dyan sa laro nyo? For fuck's sake! Sa maliit na halaga nagawa nyo kaming saktan!? "- hindi ko na napigilan ng sarili kong mag taas ng boses sa kanya.

May mga estudyante na rin na nanonood samin ni Venz. Pero wala akong pakielam.

" nasaan ang thrill kung walang masasaktan- "- at dumapo nanaman ang palad ko sa pisngi nya.

" paano mo nasisikmurang sabihin yan Venz? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. Ay, oo nga pala. Magaling kang mag panggap "- tumawa ako ng mapait bago pinunasan ang pisngi ko.

" mas pinili kitang kampihan kesa sa mga kaibigan ko. Alam kong ang tanga ko pero mas tanga ka. Fuck you and West. Burn in hell sucker "- galit na ani ko at sinampal ko sya ulit bago tuluyang umalis.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante pero wala akong pakielam. Pag-angat ko ng tingin ko ay andun sina Sofia na para bang iniintay ako.

Ibinuka ni Sofia ang mga kamay nya na para bang sinasabi na gusto nya akong yakapin.

Mas naiyak ako dahil doon at tumakbo at papalapit sa kanila at niyakap si Sofia. Niyakap naman ni Thia ang likod ko samantalang si Kath-unnie sa likod ni Sofia.

Wala si Serene-unnie

" sorry "- tanging bulong ko habang umiiyak.

" shh it's okay "- ani ni Kath-unnie habang hinahaplos ang buhok ko.

I should have believed mom.

May mga lalaking paiibigin ka pero wala silang intensyon na mahalin ka pabalik.

-----
A/N: alam kong bitin itey kaya may book 2 ito! (Wao, feeling talaga may nagbabasa eh 😂)

Title: trust issues

pa-fallWhere stories live. Discover now