𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝖋𝖔𝖚𝖗

40.9K 1.6K 781
                                    


4: 𝕾𝖊𝖈𝖔𝖓𝖉𝖔, 𝕿𝖊𝖗𝖟𝖔 & 𝕼𝖚𝖆𝖗𝖙𝖔
-

Zel’s POV

Kasalukuyan lamang akong nakatingin sa isip batang si Levi. Hindi ko ma-gets kung bakit sa dami ng tao ay siya pa ang makakasama kong makulong sa walang kwentang elevator na ito!

“Can you stop pushing all the buttons?! Na-stuck na nga tayo, e.” Inis na reklamo ko sa kanya. Paano ba naging kaibigan ni Zay ang lalaking ito? Para siyang abnormal, parang batang hindi mapagsabihan ng isang beses. I can’t believe na isa siya sa mga ginagalang at kinatatakutang dorm president sa University na ito.

“Ugh! Bullshit! Wala pang signal.” Napaupo na lamang ako sa sobrang frustration. Bakit kasi nasa last floor ang classroom ko? Naglagay-lagay pa sila ng elevator, sira naman!

“Alam mo bang marami nang namatay sa elevator na ‘to?” Biglang pagsasalita ni Levi nang ihinto nito ang pagpindot sa mga button. Nag-indian seat siya sa mismong harapan ko at saka ngumisi na tila ba sinapian siya ng kung sinong demonyoㅡI really can sense that this guy is not ordinary. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoo niyang ugali at pagkatao. Ang hirap niyang basahin.

Noong unang pasok ko sa dorm ay sinalubong niya ako but guess what? Binaril niya ako ng water gun. I tried to knock the hell out of him ngunit mabilis nagbago ang kanyang aura. His bright aura became dark in a span of 0.1 second. Para siyang si Zaylee na ang bilis mag-shift ng mood.

“Really?” I rolled my eyes in annoyance. Gusto ko ng umalis sa lugar na ‘to. It’s been five minutes already.

“Alam mo bang may rule kaming mga dorm president? Na pagpumatay ka, mamamatay ka?” Tanong niya habang nananatili ang ngisi sa labi niy, damn! This guy is really creeping me out. “Noong unang pasok mo rito. May napansin ka bang babaeng nakabigti sa puno?”

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang marinig iyon. Unti-unti tuloy akong nagkakainteres sa balak niyang ikwento sa akin. WellㅡI already knew that this school is not normal pero may mga bagay pa akong gustong malaman. Ito ang napili naming pagsimulan ng bagong buhay but it turns out na ang lugar pa na ito ang mas lalong magpapagulo ng mga buhay namin.

“Yeah, why do you ask?”

“That girl is from dorm one. Nirape at binigti siya ng isang security guard and that guard? He also died that day. Alam mo kung sino pumatay?” Nakangising tanong niya at nanatili akong nakatingin sa kanya habang nagpapatay sindi ang ilaw rito sa loob ng elevator. “Si Zayden, president ng dorm one. Akala ng security ay makakalusot siya sa rule, akala niya ay sa mga estudyante lang iyon epiktibo.”

“Do you really think maniniwala ako? Anong klase ng school naman ang hahayaang magkaroon ng ganoong klase ng rule ang mga tulad niyong dorm president? I mean that doesn’t make any sense.”

“You want proof? Bakit hindi mo subukang pumatay? Pumatay ka ng estudyante galing sa ibang dorm. Tignan natin kung hindi ka hanapin ng dorm president nila para patayin..”

“..Maliban sa amin ay malaya ring pumatay ang mga nasa phantom 10. Zayden is currently the Primo and I’m in a position of Secondo.” Napangisi na lang ako sa sinabi niyang iyon. This school seems to be on a whole different level. Pwede namang first, second o third ang itawag, gusto pa nila ay italian number. For what? Para cool pakinggan?

“Why are you telling me these things?” Tanong ko nang tumayo ako habang pinapaypayan ang sarili ‘cause I swear. Ikamamatay ko ang sobrang init, I’m getting dizzy.

“Para lang alam mo kung sino ang mga dapat mong iwasan at irespeto. I know you’re a troublesome persoㅡyeeeey!!” Mabilis nagbago ang kanyang mood nang biglang bumukas ang elevator. Tumayo siya at nagmadaling lumabas habang ako ay nanatili sa loob. Ang weird niya talaga, grabe.

Crudelis University: Game of death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon