𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝖋𝖔𝖚𝖗𝖙𝖊𝖊𝖓

32.2K 1.6K 684
                                    


14: 𝕾𝖊𝖈𝖔𝖓𝖉 𝖌𝖆𝖒𝖊
-

Days have passed, and it’s saturday again. So meaning? May magaganap na namang ludus de morte mamayang gabi.

“Zaylee matagal ka pa ba?” Boses ni Luther kaya naman kinuha ko na ang bag ko at saka lumabas ng kwarto.

“Tara na.” Aya ko dahil napagkasunduan naming mag-practice ngayong araw. We’re getting closer everyday and I think that is a good thing. I’m glad that I’m making friends.

Nil-lock ko na ang pintuan ng kwarto ko nang biglang lumabas si Zayden sa kwarto niya.

“Good morning.” Bati ni Luther sa kanya at tumango lamang ito. Nagkatinginan pa kami ngunit agad ding nag-iwasan. Ewan ko ba, simula noong magkausap kami sa rooftop ay hindi na naman kami nagpapansinan. Mas gugustuhin ko na nga lang na si Luther ang lagi kong kasama kaysa sa kanya. Less problem, less stress.

“Wag niyong kalimutan yung ludus de morte mamaya, before 6:00 kailangan nasa gubat na kayo.” Walang emosyong paalala ni Zayden bago tuluyang maglakad palayo.

“Oo nga pala, naalala ko yung last game. Ang lakas ng kapatid mo, ah. Gano’n ka rin ba?” Biglang tanong ni Luther nang maglakad na rin kami palabas ng dorm.

“I don’t think so, nagkataon lang talaga siguro na nag-aral si Zel ng martial arts noon.” Uh liar, of course hindi iyon nag kataon, malakas talaga si Zel.

“I see, kaya pala. Eh, paano ‘yan? Partner ka ni Zayden sa battle of death. Meaning makakalaban mo ang kapatid mo.” Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko at mabilis na lumingon sa kanya matapos iyong marinig.

“What do you mean?”

“Bali-balita kasi na si Zel daw ang napiling maka-partner ni Levi ngayon sa battle.”

“What? Sigurado ka ba?” Tumango si Luther kaya naman hinawakan ko ang braso niya.

“Sorry, sa ibang araw na lang tayo mag-practice.” Sabi ko bago kumaripas ng takbo. Agad kong nilabas ang phone ko habang kinokontak si Zel. Hindi kami pwedeng magparticipate sa battle kung gano’n. Ayokong kalabanin ang kahit na sino sa mga kapatid ko.

“Hello Zel? Where are you?”

Uh, nasa hideout ni Levi, we’re doing something why?

“Anong something ‘yan? Lumabas ka. Magkita tayo sa soccer field. Now!” Binaba ko ang tawag at saka dumiretso sa field kung saan nakita ko si Ken at Zilyn na magkasama.

“Anong nangyari?” Tanong ko nang mapansing may punit ang manggas ng t-shirt ni Zilyn.

“Someone’s trying to kill me. Mabuti na lang at nakaiwas ako.” Sagot niya kaya naman inilibot ko ang paningin sa paligid.

“Grim reaper’s really targeting you.” Wika ni Ken at saka hinawakan ang pulsuan ni Zilyn. “Kailangan na namin umalis, may importante pa kaming gagawin.”

“Anong gagawin mo sa kapatid ko?”

“No, Zay it’s okay. Magt-train lang kami para sa battle of death. Wala siyang gagawing masama.” Literal akong napanganga dahil sa sinabing iyon ni Zilyn. She gotta be kidding.

“No way, ikaw rin? Damn what’s going on?” Napasabunot ako sa sarili at hindi maiwasang mapapikit ng mariin.

“What do you mean na ikaw rin? Don’t tell meㅡoh hell no!” Napahawak sa bibig si Zilyn at saka tinignan si Ken nang marealize niya kung ano ang ibig sabihin noon. “Ayoko na maging partner mo, never kong lalabanan ang kapatid ko.”

Crudelis University: Game of death.Where stories live. Discover now