Chapter 1

161K 2.4K 2.3K
                                    

HER CRUSH



"Nakakainis pala yung ganitong feeling, gusto ko siyang makita!"


Ito na naman ang ilang taon nang bida sa kanyang pantanserye, the one and only Skylie Rae Fuentes. Isang simpleng estudyante lang naman siya sa isang magarbo at kilalang paaralan ng Harrison College. Normal lang ang buhay niya at kung may nagpapagulo man sa tahimik na paligid, yon ay ang mga 'isip-bata' which is her own term sa mga kapwa niya mag-aaral. Halos ay sampung taon na siya sa paaralang ito magmula pa elementarya. Alam na niya ang lahat nang pasikot-sikot at maging pinakaugat ng paaralan kaya niyang i-kwento sayo kasama ang mga pinagbago nito. At ultimo mga butas na nagsisilbing kahinaan ng school ay may alam siya. Kabisado na rin niya ang takbo ng pag-iisip ng mga taong nasa loob ng campus katulad ng kanyang mga kaklase, mga guro, gwardiya, janitors, at maging ang takbo ng pag-iisip ng police dog na nagmamartsa sa loob ng paaralan tuwing umaga. Minsan pakiramdam niya ang tanda na niya samantalang labing pitong taong gulang pa lamang siya.



"Nakakasawa na rito. Kung di lang dahil sa crush ko matagal na akong nagtransfer."



Sa araw-araw na ginawa na diyos ay paulit-ulit na niya yatang hiniling na sana ay mapansin man lang siya ng varsity player na hinahangaan niya. Isang na taon na rin nang magkagusto siya rito at magsimulang umasa ngunit hanggang ngayon bigo pa rin siyang makuha ang atensyon ng binata. Anak ng putakte, hindi nga siya kilala. Galaw-galaw naman diyan baka mastroke! But that's reality. Matutong magmove-on.



'I exist and yet, still unseen.'



________________

SKYLIE's•



"Ulap, I just don't understand. Ano bang nagustuhan mo sa lalaking 'yon? Sa dami ng pwedeng maging crush 'yon pa talaga?"



Napabuntong hininga ako. Ilang beses ko bang kailangan sagutin ang tanong ng taong 'to para lang tigilan niya ako? Inalis ko ang aking atensyon sa labas ng bintana at blangkong bumaling sa babaeng katabi ko. Hindi ko talaga alam kung anong problema ni Gwen Chloe sa crush ko. Ilang beses na niya akong tinatanong ng ganito na sinasagot ko rin naman ng walang pinagkaiba sa mga nauna kong sagot sa kanya. Problemado na nga ako sa crush ko tapos ito siya, dumadagdag pa.



"Ito na naman po tayo. Ano bang gusto mong marinig? Alam mo ba kung ilang beses mo nang tinanong yan? Hah?!"



"That's because your answer doesn't make sense, Ulap. Always."



"Doesn't make sense?!" Singhap ko.



Tumango siya at inulit pa talaga. "Hmm, doesn't make sense. Bigyan mo kasi ako ng matinong sagot. Hindi kita magets."



"Ikaw 'yong hindi ko magets!" balik ko.



Napapatingin sa amin ang iba naming kaklase na nandito sa loob ng classroom dahil sa lakas na naman naming mag-usap. Nakakahiya man pero sanay na sila kaya di bale na, dahil kapag itong si Gwen Chloe Perez ang kausap ko, asahan niyo nang walang katahimikan sa paligid sa dami nitong napupuna.



"Pota. Ako pa ha? Pagkakagusto mo pa nga lang sa lalaking 'yon hindi na understandable eh." At walang araw rin na walang namumutawing mga pagmumura sa bibig niya.



"Tanga-tanga ka rin, ano?" Pero alangan namang magpatalo ako 'di ba? "Basta crush ko siya, yon na yon! No reason or explanation is needed. Bitter ka lang talaga!" asik ko sa kanya.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt