Chapter 17

57.3K 1.4K 1K
                                    

STREET FOOD



SKYLIE's•



KAKAUWI ko lang galing school. Nangutang ako kay Gwen ng pamasahe ko't nagcommute na lang dahil nasa trabaho pa ang dapat ay susundo sa akin. At ito ako ngayon...nasa loob ng kwarto ko't parang timang na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin habang inaalala ang nangyari kanina. Nangingiti at hindi pa rin lubos makapaniwala na nakapag-usap kami ng ganon, and I would never forget the part where I casually called her 'monster'. Thank God, she didn't kill me. Ni hindi nga man lang siya nagalit. Akala ko pa man din bubusalan na niya ako sa bunganga, but I got calm response instead. That was indeed unbelievable. Ang daming nangyari sa pagitan naming dalawa sa araw lang na ito.


Umupo ako sa kama at pabagsak na humiga saka tumitig sa kisame.



"I know I'm a pain in the ass, pero...mahal niya pa rin naman ako 'di ba? Why does he need to turn me down? To reject me as her daughter?"



Bigla akong napaisip kung sino ba ang magulang ni monster. Kilala ko ba? Mga kilalang tao ba? Wala naman kasi akong pakialam sa kanya noon kaya kahit sino pa ang magulang niya, hindi ko pinagkainteresang kilalanin. Ang lolo niya lang na siyang may-ari ng Harrison college ang tanging kilala ko sa pangalan, pero ni minsan hindi ko pa nakita o nakaharap man lang. Kung makikita man namin siya, it's always through a video announcement. He's really a private person.



I heaved a gentle sigh.



"Defense mechanism mo lang ba ang everyday dragon mode mo, Monteclaro?"



"Remember when I told you you're important? Kung walang nagsasabi sayo nun, I'll do it. Ipapaalala ko sayo sa mga araw na nakakalimutan mong importante ka."



I don't really know her. We're not related; but I'll do the favor. Hindi ko maintindihan pero nahihirapan akong makita siyang malungkot at nasasaktan dahil pakiramdam niya'y walang nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya. Ayaw kong masanay siya sa ganoong pakiramdam. I don't want people around me to feel unloved, question their worth, and blame themselves just because they feel inadequate; and worse, they feel sorry for existing. That's awful! Nobody deserves to feel that way.



"I forgot to tell you, but nobody's perfect. We all have our own monster. You have yours. I have mine—you."



Napabangon ako.



Funny that my own words are not processing properly in my head right now. "Ano bang ibig sabihin nun, Sky?" Tumingin akong muli sa malaking salamin na nasa tabi lang ng higaan ko. "Kung ano man 'yon, gusto ko lang sabihin na...you're a creep!" Turo ko pa sa repleksyon ko sa salamin sabay bato ng malamig na tingin. "At nababaliw kana!"



Napatakip ako ng mukha at umiling-iling. Nahiya ako sa sarili ko. "AHHHH! Nakakainis! Ba't ko sinabi 'yon?! Skylieeee!!!"



Ilang minuto ko ring kinastigo ang sarili ko saka ko tuluyang tinanggap na hindi ko na mababawi pa 'yon. I even said, 'ang ganda mo' by accident. It just slipped out all of a sudden. Alam naman ng lahat na maganda siya pero bakit ko kasi binukambibig? Conceited pa naman ang taong 'yon. Malamang lumaki na naman ang ulo niya nang marinig iyon.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon