Chapter 8

46.4K 1.6K 1.5K
                                    

TARGET - PERSONAL TARGET




SKYLIE's•


Flirty admirer,

Hi, pathetic. You can run, but you can never get away. You were the one who sent me the goddamn love letter, right? I think you should be honored bcoz your good-looking crush made an effort just to investigate and find out that (unfortunately) it came from you.

And please...just please, stop this nonsense. I always do this to anyone, so don't feel so special about me doing it, sending a response to your cringy piece. I just can't take it. Hindi mo pa ba alam? A girl like you will never be my type even in your wet and wildest dream. WAKE UP! You are so out of my league to surpass my standard. I only eat expensive food as my taste matters, darling.

By the way, at least be thankful that I took time to write a reply. My time is worthy, but I wasted it on you. Fyi, if in case you're not aware. I AM TAKEN BY A BAD BITCH!

Goodluck!

Loverboy Steph




No. You're taken not just by a bad bitch, but also a monster.


Marahas akong napabuntong hininga. Natapos na lamang ang aming first subject ay wala man lang akong natutunan dahil hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako sa sulat. Kahit hindi ako nakatingin sa papel ay malinaw na malinaw pa rin sa aking kaisipan ang mga nabasa doon. Bawat salita'y tumatagos sa kaluluwa ko na mas lalo lang tumitindi bawat segundong naaalala ko ito at nagdudulot ng pagkulo ng dugo ko ngayon. Nanginginig ang kalamnan ko sa inis. Nagpupuyos ang kalooban ko sa poot at pagkadisgusto. Obviously, I didn't like what I read. Who would do?!


Ano bang nakalagay sa sulat ko para magsulat siya pabalik ng ganon? Wala naman akong sinabi doon na gwapo siya. Wala rin akong sinabi na gusto ko siya o mahal ko siya. I just said that 'his existence is admirable and enough for me to just look at him from afar'. Alright. Let's say that sounded or like an other word of 'I like you'. But, I didn't say I want to flirt with him. Hindi ba pwedeng sana nag-thank you na lang siya? Because that was merely an appreciation letter which I know at first I said that was a love letter! MY MISTAKE.


"Puchangyawa talaga ng kupal na 'yon. Hindi man nahiya. After two months, ngayon lang siya nakapagreply at ganito pa ang sasabihin ah? Ngayon lang ba siya nagbukas ng kanyang locker?! Ngayon nila lang nabasa?!" Si Gwen na hawak ngayon ang sulat, binabasa ulit.


Inis na inis din siya at maging si Rob nang mabasa nila ito kanina. Nawalan tuloy kami ng ganang kumain, ni hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko dahil sa pagkamuhi sa nabasang sulat. Anger is all over me that I already want to search every corner of the campus just to bury him alive. Buti na lamang ay hindi pa ako nasisiraan ng bait para ituloy. I can though, but such a waste of time. Baka sabihin niya masyado ko siyang binibigyang atensyon para ilibing pa. I'll choose to be kind instead. PERO, hindi ibigsabihin ay palalagpasin ko na ito. Hindi pa rin humuhupa ang inis ko ngayon, matindi pa rin at wala nang mapaglagyan pa. Who says I'll let it slide? I WILL NOT!


"What's your plan, Sky?" Napatingin ako kay Rob. "Alam kong galit ka pero...you need to...you know, at least rein in your anger. H'wag mo namang idamay 'yang ballpen mo, besh. Maawa ka. Wala siyang kasalanan." Agad akong napatingin sa kanang kamay ko kung saan hawak ko na ng mahigpit ang aking pen. Namumula na rin ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito. I sighed violently. Nilaro ko sa aking kamay ang kawawang bagay saka ibinalik sa bulsa ng aking uniform kung saan madalas ko itong ilagay at i-ipit doon. "Anyway, are you going to get back to him?"


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now