{6}Argument

6.7K 149 0
                                    

Hannah's POV

Time check 12:38 am

Nandito na kami sa Pinas may pasok pa ako ng 11:00 am tapos imemeet ko pa si Kyle ng 8:00

Sa totoo lang?? Hindi ko naman ganun kagusto si Kyle sadyang crush ko sya at die hard fan dahil sya ang top 1 dancer sa school ako naman 2nd lang tapos cute pa sya kaya ganun yung turing ko sa kanya as a crush pero hinding hindi ko sya magiging mahal dahil sya parin ang nasa puso ko

"Hannah tulala ka. Sabi ko nandito na tayo" that snap me out of my thoughts

Lumabas na ako at nakita ko na yung mga bag ko. Pinagmasdan ko yung bahay. Kanino nga ba ito??

"Psst. Kanino toh?? " tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagaayos ng bag nya

Tumingin sya sa akin at binigyan ng walang expression na tingin "Ewan ko. Tara pasok na tayo nandyan daw sila mom at mama mo" sabi nya at dinala na yung mga bag nya. Nanguna sya at ako sumunod lang. Kung nagtataka kayo kung nasaan yung butler nya? Ayun nauna na bibili lang daw ng makakain namin

Pagpasok namin sa loob eh bukas naman pala ang pinto alangan naman na pumasok kami pero sarado pinto? Ano yun tang@??

Nakita namin sila mommy at mama ni Xavier sa sala kasama sila daddy

"Oh nandito na pala kayo eh tara umupo muna kayo" sabi ni Daddy

At umupo nga kami nasa harapan namin silang apat

"So Magkakaapo na ba kami? " tanong ni Mommy na nabilaukan ako sa sarili kong laway

"What the--?! Mom!!" sigaw ko

"What? Hindi lang ako makapaghintay magka apo" sabi ni Mommy at tumawa silang lahat

"kamusta naman ang araw nyo dun? " tanong ni daddy

Sasagot na sana ako ng akbayan ako ni Xavier

"Okay naman po. Diba Wifey?"  sabi ni Xavier na tuluyan na akong nainis sa kanya

Lumapit sya sa akin ng palihim "Number 4 rule" bulong nya at lumayo

Mapangiti ako ng pilit "Oo naman HUBBY" Diniinan ko pa ang salitang Hubby

Napangiti sila mommy "Great! Now aalis na kami at may meeting pa kami" sabi ni daddy

"Xavier, make sure to take care of hannah okay? " sabi ng mama ni Xavier

Tumango lang sya

Pagkalabas na pagkalabas nila eh dirediretso ako sa taas at hinanap yung master's bedroom.

Pagkahanap ko namangha ko....

Shet. Fav color ko ang kulay ng kwarto Which is Black and white. Lahat ng mga gusto kong books nandito din pero nasa isang side. May isang table. King sized bed. Malaki rin yung kwarto may banyo din.

Nilibot ko tingin ko sa buong kwarto. May nakita akong pinto  nilapitan ko yun at binuksan. Namangha naman ako kasi walk in wardrobe itohalos lahat yata ng damit namin nandito pero may isang Malaking cabinet ang nakita ko

'Ano kaya ito? ' tanong ko sa isip ko at nilapitan ito

'Ah! Baka ito yung mga iba ko pang damit' sabi ko sa isip ko at binuksan yung cabinet

0.0


Pagbukas na pagbukas ng Cabinet............... LUMANTAD SA MUKHA KO ANG SPONGEBOB COLLECTION AT DORAEMON COLLECTION!

"Anong gina---! No!!! " sigaw ng kakarating lang na Xavier at bilis bilis na sinara ang malaking cabinet!

"Hannah what did i said?! Rule number 3 and 4!!" sigaw nya

"Aba! Malay ko ba na iyo yang cabinet na yan!! " sigaw ko pabalik

"Kahit na!!! You broke TWO Rules hannah!!TWO Rules!!! " sigaw nya pabalik at dinabog kamay sa pader sa gilid ko

I showed him my bored face "The Heck or The Fuck do i care?! Wag mo akong masigaw sigawan Ranz!" sigaw ko at tinulak sya

Nanggigil na sya halata naman

"Wag mo akong matawag tawag na Ranz! MAURICE!! " sigaw nya at napatigil ako sandali

Lumapit ako sa kanya at...

*PAK*

"Wag mo akong matawag tawag na Maurice Xavier!!"

"At Bakit naman MAURICE?!?! " sigaw nya namumula na ang pisngi nya dahil sa sampal ko

"WALA KANG KARAPATAN NA TAWAGIN AKO NYAN!!! HINDI KA SYA!!!!" sigaw ko at lumabas na ng kwartong yun

Habang palabas ako ng bahay unti unting pumapatak ang luha ko

Wala syang karapatan na tawagin akong Maurice! Tangna!

Hinding hindi sya naging sya!!!

Nagpunta akong park kung saan kami tumatambay lagi

Pumunta ako sa bench kung saan maraming alaala na binuo namin

Umupo ako dun at napayuko

Tuloy tuloy ng bumabagsak ang luha ko

Bakit ang lupet ng tadhana sa atin?! Sa akin?!

"Hindi dapat umiiyak ang mga babae, dapat pinapahalagahan at hindi sinasaktan. Eto oh panyo"

Pagtingala ko...

"K-kyle..... "

-------------

Xavier's POV

Ano bang nasa isip nya?!?!?! 5 na at pauwi na ako galing school pero hindi sya pumasok!

Hindi ko naman sinasadya na tawagin sya nun eh! Nagalit ako kasi pinakelaman nya gamit ko

Ang pinaka hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nyang tawagin ko syang Maurice?!

Yung pagtawag nya sa akin ng ranz eh hindi naman ako ganun nagalit kasi mga importanteng tao lang ang tumatawag sa akin nun! Eh sya?! Importante ba sya sa akin?!

Pagkauwi ko eh wala paring tao

Nasaan ba yung babaeng yun?!

Lumipas ang apat na oras eh wala parin sya. Kumain na ako at tumambay nalang sa kwarto at nanood dun. May tv naman sya

Natapos na ang pinapanood ko pero wala parin sya

Teka bakit nga ba ako naghihintay sa kanya?!

Kung tutuusin ayoko sa kanya! Masyadong maldita at mataray, pala mura at brutal!

Ayoko sa ganung babae!

Hindi ko namalayan at nakaidlip ako

Nagising ako dahil may nagsara ng pinto sa baba

Tumayo ako at tumingin doon

Nakita ko na pataas si Hannah at dumiretso sa guest room

Anong meron dun?!

=_=

Pumunta nalang ulit ako sa kwarto at pabagsak na humiga

Ginulo ko buhok ko dahil sa frustration ko

Wala akong pake sa kanya pero bakit ganito?!

Wala naman akong pakealam kung makasakit man ako pero bakit pag kay hannah na bakit nagaalala ako?!

Baka naaawa lang ako =__= kasi ang gusto nya si kyle kaya ganun

Makatulog na nga nakakainis lang isipin yung babaeng yun! Mas maigi pang isipin kung ano ang ibrebreak kong rule para bukas

Married To A Cold Hearted GuyМесто, где живут истории. Откройте их для себя