{15}Box

5.9K 112 5
                                    

A/N

Hello mga readers!! Hahahaha magsosorry na ako kasi sa ibang chapters. Madaming naguguluhan at pati ako ay naguguluhan hahaha. So I think magiging Teen fiction/Mystery/Horror/Action itong story! May ibang parts na Love sya, part na may mystery, part na may Horror, and part na may Action hahaha ang gulo XD pero sana intindihin nyo XD

Para sa mga nagtataka katulad ko kung bakit nasa Teen Fiction ito ay dahil iyun ang story nila Hannah at Xavier dun nababase ang story nila

That's all! Thank you!!

------------------------------

Hannah's POV

"Sure ka okay ka lang?"

"Oo nga ang kulet makakasayaw pa ako nito"

"Kalaban nga pala natin Hue Academy"

"So ang kasali dito sa contest natin ay yung Hue siblings? Tapos si Zyc Chron yung kalaban ni Xavier mamaya?" tanong ko at inayos na yung suot ko

Suot ko ngayon ay black skirt, naka black and white crop top ako and to match it all up naka black boots ako. Si Kyle naman naka white hoodie, naka black jogging pants, tapos white rubber shoes. Theme namin ngayon ay yung Hip hop dance dahil yun ang pinili ng school namin. Sa Hue siblings naman is classical but more likely street dance. Yung iba hindi ko na alam

"Oo si Zyc yung makakalaban ni Xavier mamaya. Manood tayo gusto mo?" sabi nya at ngumiti sa akin. Nakasandal sya pader habang pinaglalaruan yung singsing nya

"Sige. Ano oras ba yung start natin?" sabi ko at kinuha yung bracelet ko at sinuot yun

"Pagkatapos ng Hue Siblings yung start natin. Nakikita yung saksak mo hannah" sabi nya at tinignan ko yung tyan ko

Fresh pa naman yung sugat kaya Halata pa. Napangisi ako at kinuha yung make up kit ni Lyn since nandito sya kanina at iniwan ito. Tinakpan ko yung nasaksak na part gamit yung foundation. Hindi na sya ganun kahalata sa malayo kaya okay na ito

"Yan hindi na halata" sabi ko at binalik yung mga ginamit ko sa pwesto nila kanina

Umupo ako sa upuan na malapit kay Kyle. May maliit na screen dito at nakikita namin yung mgasumasayaw at ang next na ay yung Hue siblings

Watching them in sync ay makikita mong nagpractice talaga sila at mukha silang inosente pero iba ang nakikita ko,nakikita ko kung gaano nila kagusto na matalo kami. Pero nag kakamali sila dahil Impossibleng matalo kami, ang rank 1 at 2 sa dancing ranks ay nagsama kaya impossible talaga

Matatapos na sila kaya tinawag na kami para mag handa na sa backstage. Madami ang nanonood pero wala na akong pakealam sa kanila dahil sanay na ako

"Ready?" sabi ni Kyle ng mag lights off na yung stage

"Ready as Hell" sabi ko at ngumisi tapo pumunta na kami sa pwesto namin

Xavier's POV

Nanonood ako ngayon ng laban nila Kyle at Hannah, sila nalang yung huling magpeperform. Madaming nagsasabi na sila yung mananalo kasi nag sama daw yung rank 1 at 2. Nasa pinaka likod ako sa hindi nakikita

Nagsimula na yung kanta. Watching them is like watching a dancer couple dance in sync. Their moves are hard but syncs to the song. Madaming nagsisigawan dahil boto sila sa kanila. Madaming nagtatanong kung sila na daw ba. Tss,kung alam lang nila na may asawa na si Hannah at hindi si Kyle yun tss

Pinapanood ko lang sila pero walang pinatutunguan ang tingin ko sa kanila. Natapos yung sayaw nila at iaanounce na daw ang winner kaya umalis na ako may laban din ako, mag kahiwalay ang destination ng dance and sing competition kaya umalis na ako para makapag practice na din

Married To A Cold Hearted GuyWhere stories live. Discover now