{20} Picture

2.1K 44 30
                                    

A/N

I'm sorry dahil short update lang ang last chapter, I'll make it up to you guys

------------------------------

Hannah's POV

I woke up to the sound of people talking, ang ingay naman. Bago ko pa buksan ang mga mata ko ay nadinig ko ang boses ni Xavier

"Salamat po talaga at pinatuloy nyo po kami ng asawa ko rito sa bahay ninyo" boses ni Xavier, teka ano ba nangyari?

"Walang anuman iho, O'sya sige at magaayos na ako ng umagahan ninyo para makakain na paggising ng asawa mo" rinig ko na pagkasambit ng isang babae. Unti unti kong binuksan ang mata ko at inilibot ang tingin ko, "Xavier? Asaan tayo?" sambit ko ng lumapit sa akin si Xavier at hinawakan ang kamay ko

"Kamusta na mga sugat mo? May masakit ba?" saad nya, kita ko ang pagaalala sa mga mata nya

"Bawal isagot sa tanong ang isang tanong din, Xav" napatawa ako ng mahina ng mapakamot sya sa batok nya, "At okay lang ako, buhay pa naman at humihinga ako"

"Mabuti naman, nagalala ako ng sobra sayo, akala ko mawawala ka sa akin" ngumiti sya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko, "Nasa bahay tayo nila Aling Rosa, nakikituloy muna tayo hanggang sa gumaling na mga sugat mo"

"Hindi ba tayo nakakaabala? Tsaka sila Harvey at Leo, pano sila?" tanong ko sa kanya, pilit kong umupo kahit kumikirot ang mga sugat na natamo ko at tinulungan naman ako ni Xavier, "Tutulong ako kela Aling Rosa sa mga gawaing bahay at mga trabaho nila para hindi tayo nakakaabala. At matanda na sila Harvey, kaya na nila sarili nila" napanguso ako sa sinabi nya

"Tutulong din ako sa mga gawaing bahay, nakakahiya naman kung ikaw lang gumagawa tapos ako nakahilata lang dito nakanganga" mataray kong sabi sakanya. "Kaya ko naman siguro tumulong, magwawalis, maglilinis at magluluto lang naman ang maitutulong ko pwede din magigib ako ng tubig, basta makatulong lang ako" dagdag ko pa

"Hannah, mas okay kung hindi ka maggagagalaw. Yung kalagayan mo at yung mga sugat mo ang inaalala ko" saad nya, halata sa mata at boses nya ang pagaalala sa akin, "Tutulong ako sa ayaw at sa gusto mo" pangaasar ko sa kanya, binelatan ko pa. Ha!

"Hindi pwede"

"Pwede"

"Hindi pwede sabi!"

"Pwede sabi!"

"Hindi pwede Hannah!"

"Pwede Xavier!"

"Hindi nga sabi pwe--"

"Iho't iha, mamaya na ang pagaaway ninyo, halina na't kumain" natatawang saad ni Aling Rosa, napangiti sya sa amin at umalis na din. Binelatan ko si Xavier at binelatan nya din ako, bwiset. Tumayo na ako pero syempre tinulungan ako ni Xavier, may sugat ako sa binti duh

Paglabas namin ng kwarto ay lamesa kaagad ang bungad na may tv sa gilid tapos isang kwarto sa tabi ng kwarto kung nasaan kami at daan na din palabas ng bahay. Maliit lang naman yung bahay, sakto lang sa tatlo na tao pero sadyang napadami kasi nandito kami kaya mukhang masikip ito, "Pasensya ka na iha kung maliit lang ang aming bahay" saad ni Aling Rosa na ngayon ay naghahain na, Umupo na rin kami, "Hindi, okay lang po ito, pasensya na din po kung nakikisiksik kami dito ni Xavier sa inyo, tutulong nalang po kami sa mga gawain ninyo rito Aling Rosa!" masaya kong sambit sa kanya, ngumiti ako at nagpasalamat kay Aling Rosa

"Kahit wag na, baka magaspangan pa ang inyong mga kamay sa mga gawain namin rito ni Berto. Okay lang kahit dito nalang kayo sa bahay" nakangiting sambit ni Aling Rosa sa amin, "Hindi po, wag po kayo magalala Aling Rosa, tutulong po kami ni Xavier bilang pagbayad po namin sa tulong ninyo sa amin" pagpipilit ko, napatingin ako kay Xavier na nakangiti lang sa akin, fakeeee sa loob-loob nito gustong gusto na akong batukan. Binalik ko rin ang tingin ko kay Aling Rosa para sa sagot nya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Married To A Cold Hearted GuyWhere stories live. Discover now