Hannah's POV
Shete naman =_=
"Hannah! 10 minutes break muna" sigaw ni Kyle sa labas ng practice room ko
Nasa bahay kami ngayon nagprapractice na kami ni Kyle para sa laban namin pero nakakabwisit lang -_-
Nakalimutan ko na may practice room nga pala dito sa
Hindi ka ba maiinis kung ikaw nagprapractice tapos yung partner mo lumabas mga 30 minutes tapos sisigaw ng 10 minutes break. Aba tangna nya =_=
Kahit idol ko yan at crush naiinis din ako jan
Tsk. Mas gugustuhin ko pang hindi yan nakapartner pero wala eh crush ko
Lumabas ako ng practice room ko at bumaba na para mag hanap ng makakain
Nasa kusina ako ng makita ko si Kyle na naka upo sa counter
"Bumaba ka nga jan mukha kang unggoy" sabi ko at naghanap ng makakain sa ref at cabinets
May na hanap akong chips at cookies kaya okay na yun
Kinuha ko yun at tumaas ulit papuntang practice room
Nilapag ko sa gilid yung mga pagkain ko at hinanap na rin yung cellphone ko. Habang hinahanap ko yun may narinig akong tinig na maganda sa ibabang parte ng kwartong ito.
'Ano yun? Baka naman si kyle pero naalala ko nga pala sayaw yung mahal nun
Nang mahanap ko na yung cellphone ko kinuha ko yung chips at cookies ko para sundan yung tinig ng tunog. Kumakain ako habang naglalakad. Saan kaya galing yun?
Kasabay ng paglapit ng tinig na kumakanta sabay din na paunti ng paunti pagkain ko. Maganda lang ang naiisip ko
Nasa tapat ako ng isang kwarto na iniisip ko na kwarto namin
Dahan dahan akong pumasok sa loob at nakita ko ang likod nya na nakaharap sa akin
Bakit sobrang ganda ng boses nya? Akala ko nga anghel ang naririnig ko
Sana tumagal yung tunog.... Masyadong precious para hindi patigilin
Umupo ako sa sofa sa likod nya
Habang kumakain ako eh dinadama ko yung pagkanta nya
Kasalukuyang nagsusulat pala sya habang kumakanta
Grabe...
Natapos syang kumanta at tumalikod sya nagulat naman sya sa mala dyosa kong presensya
"Nandyan ka pala... Tapos na kayo mag practice? " sabi nya at tumayo na tinignan ko naman sya at mukhang bumalik yung malamig sa kanya parang kanina lang anghel at warm ang presence ngayon naging cold at serious na
"Hindi nag 30 minutes break lang kami" sabi ko at patuloy sa pagkain
Tumango sya at lumabas na
Sigh. Mas type ko pang makasama sila Zyrone kesa dito kay Xavier... Masyadong tahimik pag si Xavier
Well tapos naman na rin ako ay iniwan ko na yun at bumaba na para uminom ng tubig
Walang tao sa baba at halatang lumabas ang isa sa kanila or parehas
May nakita akong sulat na hindi pa nabubuksan at may kulay itim itong tali
Nagtaka ako kasi bakit hindi ito binuksan nila Xavier
Nilapitan ko yon at kinuha na rin
Pumunta ako sa kusina para uminom na rin. Umiinom ako ng mapansin ko ang maliit na stamp dun
![](https://img.wattpad.com/cover/89908592-288-k785805.jpg)
YOU ARE READING
Married To A Cold Hearted Guy
Teen FictionI'm Hannah Maurice Lee, The bookworm, Maldita, Music lover,dancer, at higit sa lahat TANGA Ako yung tipo na ayaw na may magulang na may ari ng mga kumpanya Maldita ako sa harap ng lahat,pati na rin sa magulang ko Si kuya lang ang nagpapalambot ng pu...