Chapter 7

6.7K 125 10
                                    

Chapter 7

We're on the way to airport.

Kasama rin namin ngayon si Mandy para naman hindi siya mabored doon sa Condo ko. At para na rin makilala niya si Greco na pinsan ni Juster. Malay mo magkadevelopan sila 'diba? I'm sure naman na gwapo ang pinsan ni Juster dahil nasa lahi na nila 'yon.

"I can't wait to see that bastard," Juster said with a gritted teeth. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya.

"Is your cousin a good looking?" tanong ni Mandy.

"Yes of course, it runs in our blood. Pero tangina talaga niya para sirain ang moment ko," inis na sagot ni Juster. Hindi nalang ako umimik.

"Do you have galit on your cousin? Why?"

Mandy, hindi ka na sana nagtanong. Hindi mo magugustuhan kung ano ang ikinagagalit ng lalaking iyan.

"Nothing."

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi sabihin ni Juster ang dahilan ng ikinabibwisit niya. Nang makapark si Juster nang maayos, bumaba na kami at pumasok sa airport. Naupo muna kami habang hinihintay ang pagdating ni Greco.

"Babe, 'yung promise mo ah?" pangungulit nanaman sakin ni Juster.

"Oo na. Ang kulit mo."

"Naninigurado lang babe," tapos hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at hinalikan ito.

Nagpromise kasi ako sakanya na we'll go on a hotel next time. Gusto kong mapamura dahil hindi ako makapaniwalang nagpromise pa talaga ako. Well, wala naman kaming gagawing masama doon e. We'll just cuddle, relax, eat and make out. 'Yun lang. I just can't resist his cuteness sa pagtatantrums niya sa kiss ko kaya pumayag nalang ako.

"The asshole is here."

Napatingin naman ako sa tinitingnan ni Juster at doon ko nakita si Greco na mukhang model kung maglakad sa gitna ng airport. Ang laki ng ngiti niya nang makita niya si Juster. Ito namang katabi ko (Mandy), na-starstuck ata kay Greco. I can't blame her, mukha naman kasi talagang artista itong si Greco. He looks like he can make girls kneel on him.

"Hey, asshole! Buti naman at buhay ka pang nakarating," harsh na salubong ni Juster sa pinsan niya.

Greco smiled at kumindat pa. "Syempre, gwapo e."

"Fuck you."

Napadako naman ang tingin niya sakin kaya nagngitian kaming dalawa.

"So who's the gorgeous beautiful lady standing beside you? Ipakilala mo naman ako sa magandang binibini na 'to," sabi ni Greco.

Juster immediately placed his hand on my waist.

"Back off dude, she's my girl." Masungit na tugon ni Juster.

Tinaas ni Greco ang dalawang kamay niya. "Woah, just asking bro."

"This is my girlfriend, Icona. Babe, this is my ugly cousin, Greco."

"Hey! That's not true! I'm a model in America." Greco exclaimed.

"Yeah, whatever."

Natawa ako sakanila at naghello naman kay Greco. Binati rin niya ako at sinabihan na maganda daw ako kaya nag-init nanaman ang dugo ni Juster sa pinsan niya.

Nakita ko na nakaupo lang sa kaninang pwesto namin si Mandy kaya tinawag ko siya para ipakilala kay Greco.

"Hey, Greco. I want you to meet my bestfriend, Mandy." pakilala ko sakanila.

Ngumiti si Mandy kay Greco - or more like she's seducing him. Oh-oh, I think I knew what will happen.

"Can you be my fling?"

Greco wrinkled his forehead. "Sorry, but you're not my type." Then he smirked. "May iba akong type."

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit mas nagulat ako nang tumingin siya sa mga mata ko.

Shit.

She Was BetrayedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt