Chapter 16

7.2K 98 3
                                    

Chapter 16

Pagkatapos ng discussion ni Sir Mariano ay sakto naman na nagbell sa buong school. Nag-inat pa ako dahil sa ngawit sa pagkakaupo. I was busy brushing my hair when I heard my phone beeps. Binuksan ko ang isang text message.

From: Greco Miranda

Where are you guys na? Kanina pa ako dito sa coffee shop. I'm bored. :(

Natawa ako sa text ni Greco lalo na sa sad emoticon niya. May usapan kasi kami na magkikita-kita kaming apat sa coffee shop near the university after lunch. Nagreply naman ako kay Greco na papunta na ako.

I quickly get my backpack at lumabas na ng classroom. Dumiretso na ako sa coffee shop since sinabi sakin ni Juster a while ago na susunod nalang siya. May basketball practice pa daw kasi e.

"Oh, where are they?" Greco asked when he noticed that I'm not with Mandy and Juster.

I shrugged. "May basketball practice iyong pinsan mo at susunod nalang daw siya. Si Mandy, baka nasa condo ko pa." Sagot ko.

Kumunot ang noo ni Greco pero hindi na nagsalita pa. Napansin kong naka cap siya na medyo natatakpan ang mukha niya at naka black leather jacket pa. Oo nga pala, baka kasi dumugin ang model at artistahin kong kaibigan.

Binaling ko ang paningin sa phone ko at binasa ang dalawang text message. Inuna kong binasa ang text ni Mandy. She said that she's on the way na daw. The other text message naman is from Juster, saying na magshashower nalang daw siya at susunod na siya dito.

Nag-order na muna kami ni Greco ng para sa amin dahil baka isipin nila na tumatambay lang kami dito para magpalamig. I ordered cafe latte while Greco ordered a frappuccino.

Pagkarating ng order namin napatingin ako kay Greco. Kanina pa siya tahimik which is rare. Palagi kasi siyang may kwento at hindi nawawalan ng biro. Syempre hindi na rin mawawala sakaniya ang hilig sa pang-aasar. Naalala ko pa nga noong sinabi niya na kukunin niya ako kay Juster kapag sinaktan niya ako for the second time halos atakihin ako sa puso non dahil akala ko totoo na. 'Yun pala isa iyon sa joke time niya.

"Hey, natagalan ba kami?"

Bumungad samin si Mandy at Juster. Naupo sa tabi ko si Juster at umakbay sakin samantalang si Mandy naman ay tumabi kay Greco na kanina pa tahimik.

"Magkasabay kayo?" I asked habang nakatingin sakanilang dalawa.

Juster shook his head. "Nah, nagkasalubong lang kami sa entrance ng coffee shop."

"Okay..."

Nag-order na rin ng coffee at pasta sila Mandy. Bumati lang kanina si Greco sakanila tapos bigla nanaman siyang nanahimik. Gusto ko sanang tanungin kung anong meron at ang tahimik niya kaso baka hindi lang talaga niya trip ang magsalita ngayon kaya hinayaan ko nalang.

"I missed you, babe..." nakiliti ako sa pagbulong sakin ni Juster. Plus the fact na sobrang lapit niya sakin kaya tinulak ko siya palayo.

"Ano ka ba, babe. Coffee shop 'to. Mamaya sabihan nila tayo ng PDA e. Gusto mo bang mabansagan ng most PDA couple of the year?"

Parang biglang napaisip si Juster. Bahagya siyang nakatingin pa sa kisame na parang may iniisip.

"Parang sinabi mo na yan dati." He stated.

Nagkatinginan kami at nagtawanan. Iyon kasi yung moment na nasa cafeteria kami at nanghihingi siya ng kiss. Parang kailan lang 'yon ah. Bilis talaga ng panahon.

"Uhm... excuse me. Guys, una na ako ah. I have something to do pa. See you guys later nalang. Bye!" Paalam ni Mandy at tumakbo na palayo.

Anong problema non?

Nagkatinginan kami ni Greco. Tinignan ko siya with my confuse look at sinenyasan siya kung anong meron. Napailing-iling lang siya at ipinatong ang ulo sa upuan tsaka binaba ang cap para mas matakpan ang mukha niya. Tumingin nalang ako kay Juster.

"What happened to her? Do you think she's okay?" I asked Juster.

"Don't mind her."

--

Author's note: Back read kayo sa chapter 6 kung hindi niyo maalala yung PDA scene na yan. XD

She Was BetrayedWhere stories live. Discover now