Chapter 9

6.2K 109 6
                                    

Chapter 9

Two weeks na rin ang nakaraan since Greco arrived here. Katatapos lang din ng exam namin and the school announced that we don't have classes in one week which is good. Kasakit sa utak minsan 'pag nasobrahan sa aral.

Nandito kami ngayon sa hotel and resort ni Juster kasama sina Greco at Mandy. Supposedly, ito na sana ang alone time namin ni Juster. Ito yung promise ko sakaniya na mag-i-stay kami ng isang araw sa hotel. E kaso, accidentally, narinig nila Greco yung plano namin kaya ayun, sumama sila.

"Babe, takpan mo nga 'yang katawan mo. Ang daming nakatingin sayo oh." Utos ni Juster pero siya na rin naman yung nagtakip sakin gamit ang towel niya.

"Juster Deen, this is a resort. Obviously, nagsiswimming tayo kaya walang problema kung mag two piece ako. Kung ikaw nga ibinabalandra mo pa 'yang abs mo narinig mo bang nagreklamo ako?" Pagtataray ko naman sakaniya.

Nakakainis na kasi yung mga babaeng tingin nang tingin sakaniya. Are they blind? Didn't they see na katabi lang ang girlfriend ng pinagpapantasyahan nila? Bwisit!

"Babe naman... let's not fight here," hinila niya ako papalapit sakaniya pero umiwas ako at tumabi kay Mandy at Greco na tahimik na nilulublob ang mga paa nila sa pool.

"LQ?" Asar ni Greco.

Inirapan ko siya kaya hindi na siya umimik. Napansin niya sigurong wala ako sa mood ngayon para makipagbiruan. Usually kasi nagbibiruan kaming dalawa. Nawala na rin naman yung uneasy feeling ko sakaniya kasi mabait talaga siya at hindi mo gugustuhin na magalit sakaniya. Kaso ngayon badtrip ako kaya kahit ayaw ko man, lahat madadamay.

Napansin kong lumapit din si Juster sa pwesto namin. Naupo siya sa tabi ko at naglublob din ng paa.

"Babe, are you mad?"

Marahan niyang hinarap ang mukha ko sakaniya. Nakatitig siya sakin pero umiwas ulit ako ng tingin. Baka mawala nalang bigla ang inis ko 'pag tumingin ako sakaniya. Hindi pwede.

"Icona, please..." he pleaded. "I'm sorry kung may nagawa man ako, okay? Please talk to me. Let's just don't ruin our night. You told me that we're only going to have fun here, diba?"

On that point, sumuko na ako. Ang hirap talagang mainis sa lalaking ito. I really can't resist this guy.

Tumango ako. "Sorry din, babe. Kasi naman e, may tumitingin na nga lang na mga babae sa katawan mo enjoy na enjoy ka pa."

Natawa si Juster kaya mas lalo akong sumimangot. He kissed me on my forehead then hugged me tight. Nakakawala tuloy ng inis.

"Babe," he paused. Hinawakan niya ang chin ko para ipunta sakaniya ang paningin ko. "Hanggang tingin lang sila sa abs ko pero ikaw, mahahawakan mo 'to." Then he placed my palm on his six pack abs.

Namula ako. Sa tingin ko, mas red pa sa red ang mukha ko. Ano bang ginagawa ni Juster? Hindi ba niya alam na nakakaturn on ang ginagawa niya? Tsaka for pete's sake! Ang daming taong nakatingin samin including Greco and Mandy na laglag ang panga sa nakikita nila ngayon samin.

What the heck!

"U-Uh..." dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa abs niya. Nang makita niyang pulang-pula na ako natawa siya nang mahina.

I rolled my eyes and looked at him with my death glare. "Don't laugh at me," I gritted.

Ngumiti lang siya at hinila ako paalis doon sa pool. Ni hindi man lang kami nakapagpaalam doon sa dalawa. I wonder, okay na kaya si Greco at Mandy? I hope yes.

Dinala ako ni Juster sa hotel room namin. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto hinila niya agad ako papasok sa loob. He placed my back on the wall and eagerly kissed me. A passionate kiss. I can feel his hand rubbing my back. It feels... good. Lalo na kung si Juster Deen Miranda ang hahalik sayo. He's really a damn good kisser. Siguro kung ibang babae lang ang makakahalikan niya hindi lang hanggang make out ang mangyayari.

"I love you, babe." Juster said between our kisses.

Hindi na ako nakasagot dahil muli niyang sinakop ang labi ko. Gosh, I think I'm addicted to his kisses. Pakiramdam ko 'pag hindi ko siya nahalikan ng isang araw hindi buo ang araw ko. I'm proud to myself dahil napipigilan ko ang sarili ko.

He suddenly stop kaya napatigil din ako. Napakunot-noo nalang ako. Hinawakan niya ang labi ko using his thumb then he stared on it.

He smirked. "This lips? This is mine. And you? You're mine." Then he continued kissing me, passionately.

She Was BetrayedWhere stories live. Discover now