Kabanata 2 -Sex with stranger

22.4K 215 26
                                    

Alex's POV

Waaaah! Hanggang ngayong gabi ay naalala ko pa rin yung ginawa ng walangyang manyakis na lalaking iyon. Ang kapal lang talaga ng mukha niya. Pag nakita ko talaga ulit ang isang yun? Puputulan ko siya ng ari. Nako! Kumukulo ang dugo ko. Pagulong gulong ako sa kama habang naiisip iyon. Masusuka yata ako. Waaaaah! Hinalikan ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa yung bibig niya.

Nagpunta ako sa CR para hugasan ang labi ko. Nadumihan na ito. Waaah! Feeling ko na rape ako. My god! Bumaba nalang ako at nakita kong kakaiuwi lang din ni Dave. Mukhang malungkot siya. Ano kaya yung nangyari sakanila ng girlfriend niya? Nag away ba silang dalawa?

"Uy! Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko.

Pero hindi ako pinapansin. Mukhang malalim ang iniisip niya. Mayamaya ay ngumiti siya. Eh? Baliw lang? Mas lalong lumawak yung ngiti niya at nagsalita mag isa.

"Pupuntahan ko siya sakanila.." Sabi niya sabay labas ng bahay.

Ano kayang nangyari sa taong iyon? Since wala akong kasama dito sa bahay ay nag foodtip nalang ako. Panay tingin pa sakin ng mga katulong dahil kung anu-ano daw pinagkakain ko. Pake ba nila? Sila ba bumili ng mga pagkain na ito? Pera ba nila? Tsk.

Mayamaya pa ay dumating ulit si Dave. Nakakunot yung noo niya habang papasok siya.

"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo?" Bigla kong tanong.

Nagulat siya nung nakita ako.

"Ah, Nandiyan ka pala.. Hmm. Mag bebeach pala kami nila Minzy bukas. Sorry kung hindi kita masasamahan dito. Mga ilang araw kasi kami doon." Sabi niya at kumakamot sa ulo nya.

Hala? Maiiwan ako dito? Kakabalik ko palang magiging alone na ulit ako?

"No! Sasama ako..Mag iimpake na ako ha?" Sabi ko ng nakangiti. Sabay akyat para hindi na siya makakontra.

Narinig ko pang tinawag niya ako. Namiss ko din naman ang beach dito. Kaya sasama ako. Hahaha.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Mamaya ay iniwan na ako ni Dave diba? Kakalabas niya rin pala sa kwarto.

"Oh, Bakit di ka pa ayos? Maaga tayong aalis. Bilisan mo.." Sabi niya.

Agaran akong naligo at nag ayos. Siya nag bitbit ng mga bagahe namin. Ang gentle man niya talaga. Habang bumabiyahe kami papunta daw sa bahay ni Minzy ay nagkwentuhan lang kaming dalawa. Marami akong nakwento tungkol sa pagtira ko sa ibang bansa. Ilang sandali pa ay huminto kami sa isang bahay na malaki. Nasa harapan namin ay isang van na nakaparada din sa harapan.

"Marami ba tayo?" Tanong ko kay Dave bago siya bumaba.

"Unfortunately, Yes.." Sabi niya sabay sarado ng pintuan ng kotse.

Nag stay nalang ako sa loob ng kotse hihintayin ko nalang siya. Nasa likoran ako ng kotse. Ayoko kasi ng nasa harapan. Mayamaya at nakabusangot ng pumasok sa loob si Dave.

"Oh? Bakit ka nakabusangot diyan?" Tanong ko.

Bigla nalang bumukas yung pintuan sa kabila kasabay ng mga gamit na hinagis sa mukha ko. What the?

"Ano ba? Sino ba yang naghagis nito?" Pasigaw kong tanong sa naghagis ng gamit sa mukha ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa bumungad saking lalaki.

"IKAW?"

Duet naming dalawa.

"ANONG GINAGAWA MO DITONG MANYAKIS KA?!"

"ANONG GINAGAW MO DITONG TOMBOY KA?!"

Duet ulit namin.

"Ha? Magkakilala kayo?" Tanong ni Dave,

His Boyish GirlWhere stories live. Discover now