Kabanata 4 - Kiss with stranger

19.9K 181 11
                                    

Alex's POV

Pagkatapos ng nakakalokang vacation doon sa beach ay naloka ako sa nalaman. Nasa hospital pala ang pinsan ko kasama si Minzy. Don't know why? Baka na-lock sa pagjejerjeran. Yung gaya nung mga nabalitaang artista. Whatever. Naki-join nalang ako sa isang van na siksikan pa kami. At katabi ko pa yung nakakairitang lalaki. Na hanggang ngayon ay di ko parin kilala. Kilala ko na sila Ziggy yung maputlang guy, Si Zhander yung matangkad na guy, At si Faye na mukhang misteryosang babae. Sila lang pero itong lalaking yun ay never kong inalam. Pake ko naman sakanya.

Nag stay ako sa isang hotel. Since may hiya naman ako sa balat ay nagpasya akong wag na muna makitira kila Dave. Nakakainis lang dahil may mga manyak na lalaki sa katabing room ko. Eh nawalan ako ng sot nung nasa beach kaya nanghiram ako kay Faye ng short shorts at lose na damit. So iw kasi di naman ako ganito manamit. Agad kong hinubad ito nung nasa loob na ako ng hotel room.

Nainip ako kaya nagpasya muna akong magpahangin sa balconahe. Naisip kokung bakit nga ba ako nandito sa pinas ulit. Bakit nga ba? Dahil ba sakanya? Sa walangyang iyon? Sa walang kwentang nakaraan? Hahanapin ko ba siya? Diba naka-move on na ako? Bakit hinahanap ko pa rin siya. Sinaktan nya ako ng husto. At pinatunayan niya sakin na lahat ng lalaki ay pareparehongmanloloko. Katawan lang ang hanap nila. Pero naisip ko bakit ko sinuko ang bataan sa stranger na iyon? Waaah! Baliw talaga ako. 

Kinabukasan ay naisipan kong manood ng PBA. Oh god ! Namiss ko 'to. Namiss ko si James Yap idol ko. Hapon na nung pumila ako sa labas ng court.  Do or die kasi ang laban. Kaya maraming nakapila. May mga baduy pang banner yung ibang kampi sa kalaban. 

"Nakita ko yung bulok na kupunan ng kalaban ng team natin. Mga weak naman sila." Narinig kong sabi nung isang lalaki na kampi sa kalaban ng sinusoportahan ko.

"Anong sabi mo?"  Hinarap ko yung lalaking nanglait sa idols ko.

Pero ako na pala yung papasok sa loob. Kaya nag dirty finger nalang ako sakanya. Pasalamat siya ay kaylangan ko ng magandang spot para makanood ng basketball. Nakita kong magsisimula na yung laban. Shit! buti nakahabol ako.

"GO SAN MIG !!" Sigaw ng mga kababaihang nasa gilid ko.

Duh! Di nalang manood. Nagiingay pa. Pero Go San Mig ! Sa isip nalang ako mag checheer diba? Para di nakakahiya. Naka pantalon at jersy na number 15 ang soot ko. San Mig ang tatak. Siyempre naman. Gustong gusto ko talaga ang manood ng sports lalo na ang basketball. Pake ba nila kung magmukha akong tomboy! Maganda parin naman ako.

Marky's POV

"GO SAN MIGGGG !" Nakakairitang sigawan ng mga tao sa paligid ko.

Nanonood ako ngayon ng laban ng basketball. Papalipas oras lang ito. Mamaya totoka na ako sa bar. Simula nung vacation namin doon sa beach ay parang may kulang na sakin. Di ko alam. Parang may hinahanap akong kakaiba. Yung babaeng iyon pa. Oo babae na tawag ko sakanya. Pero mukha parin siyang tomboy.

His Boyish GirlWhere stories live. Discover now