Kabanata 5 -Sleeping with stranger

17.5K 182 26
                                    

Marky's POV

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan lang kung gaano kalakas uminom yung babaeng tomboy na unknown species. Di ko alam kung sa'n lupalop ng mundo ito nanggaling. Napa-trouble pa kanina na akala mo ay walang nangyari. Kiniss niya ako ng biglaan tapos siya pa yung nagagalit? Lumabas ng bar tapos bumalik at maangas na nag-take ng beer. Ibang klase.

"Hoy!, Tomboy. Lasing kana umuwi ka na sainyo." Pasigaw kong sabi.

Mapungay na mata niya akong tinignan tapos lumagok ng konting beer at pasuraysuray siyang lumapit sakin. Mula sa counter ay kinuwelyuhan niya ako.

"Hindi..Ako..Tom-boy.." Pahinto-hinto niyang sabi na halatang lasing na.

Nilapit ko yung mukha ko sa mabaho niyang bibig. Nakita ko kung paano lumaki ang mapungay niyang  mga mata.

"Kung hindi ka tomboy, Bakit ang hilig mong makipag away sa lalaki?" Tanong ko.

Inalis niya yung kamay niya sa kwelyo ko. "Lalaki? Huh! Mga buwiset na lalaki. Pare pareho lang naman kayo diba?" Diretso ang tingin niya sakin.

Nakita kong parang lumungkot ang kanyang mga mata. There is something i see in her. Parang ang dami niyang tanong sa mundo. Sa sarili at sa lahat ng tao. Parang may tinatago siyang sakit sa damdamin.

"Parepareho kayong manloloko., Manggagamit, Nangiiwan.." Sabi niya at pagewang gewang na umalis papunta sa exit ng bar.

Agad akong sumunod at nakita ko siyang nakaupo sa side walk. Nakayuko siya at nakasandal sa mga tuhod. Umupo ako sa tabi niya.

"Huwag mong lahatin.. Dahil ang mga babae ay ganoon din.." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Nilingon niya ako at agad ding bumalik sa pagyuko niya.

"Hindi totoo yan. Kayo lang talaga ang dahilan ng lahat kung bakit may mga nasasaktang babae. Mangiiwan pa kung hindi nakuha ang gusto nila.." Sabi niya.

"May mga bagay na kaylangang iwan. May mga bagay din na kaylangang pahalagahan. Kung Iniwan natin ang bagay na iyon ay may dahilan. Kng pinahalagahan ang bagay na iyon ay may dahilan. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Kung iniwan ka ng taong mahal mo ay may dahilan. May dahilan ka para mahanap ang mas karapat dapat para sa pagmamahal mo.."

"Hindi mo ako naiintindihan.." Malungkot na tono niyang sinabi ito.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Hindi ko rin maintindihan ang mga sinasabi ko. Dahil may mga katanungan din akong gustong masagot.."

Pagkasabi ko nun ay bigla nalang siyang tumayo at tumawa.

His Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon