Chapter 25

3.9K 85 10
                                    

(Madison and Cole pictures)

       Madison's POV

Saktong 5:00 pm nasa tapat na nga ng university si Cameron at hinihintay kami doon.

"Malapit ng mamuti ang mata ko dito."

Sabi ni Cameron ng makalapit kami sa kanya.

"Pasalamat ka nga dumating pa kami eh."

Sagot ni Cole at siniko ko sya sa tagiliran, hindi na lang sya pinansin ni Cameron, binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinapapasok ako.

"Sorry pero hindi sya uupo dyan, dito kami."

At hinila ako ni Cole at pinapasok ako sa back seat at sya naman ang sumunod.

"Possessive much."

Sabi ni Cameron ng makapasok sya sa kotse niya.

"Edi ang lagay e driver niyo ako ganun?"

"Ganun na nga."

Sagot ulit ni Cole at tinignan ko na ng masama si Cole pero nag smirk lang sya.

"Pag pasensyahan mo na sya Cam, may bipolar disorder kasi sya."

"What?!"

Sagot agad ni Cole pero tumawa lang si Cameron.

"Halata naman kahit hindi mo sabihin."

Naka ngiting sabi ni Cameron sakin.

"Shut the hell up, mag maneho ka na lang."

Pikon na sagot ni Cole, nagkatinginan na lang kami ni Cameron sa rear view mirror at sabay na ngumiti, pinaandar na ni Cameron ang sasakyan at umalis na kami. Inakbayan ako ni Cole sinandal niya ang ulo niya sa head rest.

"Gisiningin mo na lang ako pag nandoon na tayo."

Sabi niya at tumango ako, pinikit na niya ang mata niya at  sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya dahil medyo inaantok ako, naramdaman kong niyakap ako ni Cole at pinikit ko na ang mata ko.

"Wake up lovebirds."

Nagising ako sa tapik ni Cameron at dinilat ko ang mata ko.

"We're here"

Sabi niya at inalis ko na ang ulo ko sa dibdib ni Cole at ginising ko na din sya.

"Where are we?"

Tanong niya at nag kibit balikat ako dahil hindi ko rin alam kung nasaan kami.

"Asan ba tayo?"

Tanong ko kay Cameron.

"E.K"

Sagot ni Cameron at natuwa ako sa sinabi niya, never pa akong nakakapunta dito eh, pangarap ko talagang makapunta ng EK. Agad akong bumaba ng sasakyan at nasa EK nga kami, nayakap ko si Cameron sa sobrang tuwa, bata pa lang ako naikukwento ko na sa kanya na gusto ko talagang pumunta dito, dahil mahirap lang ako hindi ko afford ang ticket dito.

"Remember when we were young? You told me that you want to be here someday and this is it, dinala na kita dito."

Naka ngiting sabi ni Cameron.

"Thank you talaga Cam."

At niyakap ko sya ng mahigpit.

"Hep hep hep, tama na yan."

At nilayo ako ni Cole kay Cameron at dinala sa tabi niya.

"Ang dami daming pwedeng puntahan dito pa sa pang bata."

Madi The NerdWhere stories live. Discover now