Chapter 31

3.3K 84 11
                                    

            Madison's POV

Iyak ako ng iyak sa loob ng taxi, hindi ko kasi mabigilang hindi umiyak eh, kanina pa nga ako pinapatahan ng taxi driver pero hindi ko pa din magawang pigilan ang mga luha ko. Ganito pala talaga ang pakiramdam pag niloko ka ng taong mahal mo, at ang mas masakit pa doon ay ng malaman mo na ang taong mahal mo ay pinag pustahan ka lang. Ok na sana kung niloko ako ni Cole or mangbabae pa, matatanggap ko pa yun dahil ganun naman na sya una pa lang. Pero ang hindi ko lang matanggap at yung malaman kong pinag pustahan ako, wala akong kaalam alam na ganun ang gagawin niya sakin, panigurado tuwang tuwa na ang mga yun dahil nagawa nila ang plano nilang sirain ang buhay ko. May nagawa ba akong masama sa kanila kaya nila ginawa yun sakin? Nanahimik ako sa tabi tapos gusto lang pala nilang guluhin ako. At ang tanga ko rin, nag padala naman ako sa mga ginawa ni Cole sakin, akala ko totoong mahal niya ako pero yun pala hindi, ang tanga tanga ko talaga. Palibhasa wala pa akong experience sa ganyan kaya madaling nagtiwala ang loob ko kay Cole. Mga wala silang kwenta! Sana makarma sila sa ginawa nila sakin.

"Mam saan po tayo pupunta?"

Napatingin ako kay manong, saan nga ba ako pupunta? Ayaw ko namang umuwi ngayon, biglang pumasok sa isip ko si Cameron kaya sinabi ko kay manong kung saan ako pupunta at tumango lang sya. Kailangan ko ng makakausap ngayon para mailabas ko ang sama ng loob ko, pinunasan ko ang luha ko para hindi mahalata ni Cameron na umiyak ako, ilang minuto lang ay nasa bahay na niya ako. Nag bayad lang ako kay manong at nag doorbell na ako, ilang minuto lang ay bumukas na ang pintuan at naka ngiting Cameron ang bumungad sakin, pero nawala ang ngiti niya ng makita niya ang itsura ko.

"What the heck, what happen to you?"

Tanong sakin ni Cameron, tinignan ko sya sa mata at di ko mabigilang tumulo ang luha ko.

"Damn!"

At bigla akong niyakap ni Cameron at napa hagulgol ako ng iyak kaya pinapasok ako ni Cameron sa bahay niya at sinara ang pinto.

"Ano bang nangyari sayo?"

Alalang tanong niya habang inalalayan niya akong umupo sa upuan.

"Si Cole.."

Sabi ko sabay iyak ulit.

"Cole? Yung boyfriend mo? Oh? Anong nangyari sa inyong dalawa?"

Tanong niya pero umiyak lang ako, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang ginawa sakin ni Cole dahil pag nagkataon baka sugurin niya si Cole at mag away lang sila, kilala ko si Cameron pag nagagalit wala syang sinasanto lalo na pag galit na galit sya.

"Iiyak ka na lang dyan ganun? Ano bang nangyari sa inyo ng boyfriend mo?"

Tanong niya ulit sakin, sasabihin ko ba sa kanya ang totoo or hindi? Kung hindi ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko baka magkasakit naman ako pag kinimkim ko ang sama na nararamdaman ko, atsaka bestfriend ko sya, kaya nga ako nandito eh para sabihin sa kanya ang nangyari sakin.

"Sige, hahayaan kitang umiyak muna, pagtapos ka na sabihin mo sakin ang totoo."

At umupo si Cameron sa tapat ko at tinignan lang ako.

"Wala na kami ni Cole."

Panimula ko, hindi na sya nagulat sa sinabi ko.

"Alam ko namang dyan kayo magtatapos, sa itsura pa lang niya f*ck boy na sya."

"Tanggap ko naman na f*ck boy sya pero ang hindi ko lang matanggap ay yung pinag pustahan ako para kunin ang virginity ko."

Tumulo na naman ang luha ko ng sabihin ko yun.

"A what?"

Gulat na tanong ni Cameron sakin, kaya inulit ko ang sinabi ko sa kanya.

"What the f*ck!"

Sigaw ni Cameron, kaya ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo dahil alam kong magagalit sya.

"Is that true?"

Tanong niya ulit at tumango ako.

"God damn it!!! Nasaan sya?!"

Sigaw niya kaya nagulat ako.

"Hayaan mo na, tapos na, nangyari na ang nangyari."

Sabi ko sa kanya para kumalma sya.

"Ganun na lang yun?! Kung sayo ok lang sakin hindi!!! Alam mo namang kapatid ang turing ko sayo kaya hindi ako makakapayag na gi**go ko ng lalaking yun! Gusto ko syang turuan ng leksyon sa ginawa niya sayo!! Ako nga hindi kita magawang saktan sya pa kaya? Baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin nung bata pa tayo, once na may nanakit sayo ipagtatanggol kita."

"Alam ko naman yun eh, pero nandun na Cameron nangyari na hindi ko na maibabalik pa ang nawala sakin."

"Ikaw kasi eh! Pipili ka na nga lang ng lalaki doon pa sa maling tao! At doon pa talaga sa f*ck boy na yun! Anong tingin mo sa buhay mo? Nasa libro tulad ng mga nababasa mong love story na kapag ang lalaki ay chickboy ay magbabago para sa mahal niya? Madi! Iba ang lovestory mo sa lovestory ng nababasa mo sa libro kaya wag kang mag expect na mababago mo si Cole dahil kung ano sya ganun na talaga sya! Oh anong nangyari sayo? Niloko ka di ba?"

Nasaktan ako sa sinabi ni Cameron pero ok lang dahil totoo naman ang sinabi niya, iba nga naman ang lovestory ko sa lovestory na nababasa ko sa mga libro. Nasa totoong buhay ako at hindi ako nasa libro, bakit ko nga ba napag compare ang lovestory ko sa lovestory na binabasa ko. Hindi ako umimik sa sinabi ni Cameron.

"Oh ano? Totoo di ba?"

Tumango lang ako sa kanya at yumuko, naramdaman ko ang paglubog ng upuan at naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Cameron.

"Di ba pangako ko sayo na poprotektahan kita sa lahat ng mananakit sayo? Wag kang matakot sakin dahil hindi ako galit, galit ako sa hi**yupak na Cole na yun, hindi lang kasi ako makapaniwala na nagawa niya sayo yun."

Tumulo ang luha ko at niyakap ko sya, kahit hindi sya nagtanong kinuwento ko kay Cameron kung paano ko nga nalaman na pinag pustahan lang ako at kung paano ko sya nahuling nanloko.

"Wala silang kwenta, magsama sila sa impyerno na dalawa, hindi niya alam kung gaano kalaki ang nawala sa kanya."

Sabi ni Cameron habang hinahagod hagod ang likod ko.

"Thank you at nandito ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka, ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko."

Sabi ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Kahit papano nawala ng konti ang sakit na nararamdaman ko ng maikwento ko kay Cameron ang nangyaring hindi maganda kanina.

"Anong balak mo niyan? Panigurado kakausapin ka niya bukas"

Sabi niya at alam ko na ang tinutukoy niya.

"Hindi na lang ako papasok, pag pumasok pa ako baka di ko lang mapigilan ang sarili ko makasakit pa ako ng tao."

"Baliw, scholar ka doon, sasayangin mo lang."

"Ok lang, kaysa naman makapatay ako sa loob ng campus ng dalawang tao."

Sabi ko sa kanya.

"Pag isipan mo ng mabuti yan Madi."

To be continued....

Paano ba yan? Wala na silang dalawa? Ano kayang mangyayari sa dalawang mag ex lovers na ngayon, bibigyan pa kaya ng chance ni Madison si Cole? Or tuluyan ng hindi na sila magkakabalikan pa? Well let see sa mga susunod na chapter :) please vote and comment!!!!

Madi The NerdWhere stories live. Discover now