Chapter 47

1.5K 33 28
                                    

                   Cole's POV

"Anak, matulog ka na, anong oras na, ipaubaya na natin sa mga pulis to"

"No mom, hindi ako makakatulog sa pag aalala, what if may mangyari sa mag ina ko? Hindi ko nga alam kung kumain na ba si Madi or kung anong nangyayari sa kanya"

Niyakap ako ni mommy at umiyak ako, mag ti-twenty four hours ng wala si Madi, wala pa akong kain at tulog sa sobrang pag aalala, gusto ko ako unang makaalam kung nasaan Madi kung sakaling matrack nila yung cellphone niya.

"Mag dasal lang tayo anak na sana ok sya"

Sabi ni mommy habang hinahagod ang likod ko.

"Baka di ko kayanin Ma pag nawala sila sa buhay ko"

Umiiyak kong sabi.

"Wag mong sabihin yan, ligtas si Madi at ang magiging anak ninyo, wag kang mawalan ng pag asa anak. Hinding hindi mangyayari yang iniisip mo."

Hindi na ako sumagot dahil nararamdaman ko ng bumabagsak na ang mata ko sa antok.

---------------------------------------------------------

                    Madison's POV

"Madi, please kumain ka kahit konti, baka makasama sa anak mo yan pag di ka kumain"

Sabi ni Hell sakin, mag damag akong hindi kumain dahil wala akong gana.

"Papatayin din naman ako ni Caroline di ba? Edi uunahan ko na sya, kaysa sya pang pumatay sakin."

Matigas kong sabi sa kanya.

"Madi naman, nag aalala ako sayo"

"Nag aalala ka pala, bakit hindi mo ako kayang tulungan na maka takas dito?"

Sabi ko sa kanya.

"Hindi madali yun, may mga naka bantay din sa labas Madi, at armado silang tatlo, sa tingin mo magagawa kong itakas ka? Kung may pagkakataon lang ako sana naitakas na kita"

Paliwanag ni Hell.

"Kumain ka na please, gagawa ako ng paraan para maitakas kita."

Naniwala naman ako sa sinabi ni Hell, alam kong hindi sya masamang tao, naipit lang sya sa sitwasyong ito. Kumain ako ng pagkaing dinala niya at ngayon ko lang naramdaman ang gutom at uhaw.

"Mag palakas ka lang"

Sabi niya.

"Salamat"

Sagot ko sa kanya at bumukas na nga ang pinto ng warehouse at dumating na si Caroline.

"Good morning Madi"

Naka smirk niyang sabi sakin.

"Ano bang balak mong gawin sakin? Naiinip na ako."

Matapang kong sabi sa kanya.

"So eager to die Madi, papahirapan muna kita syempre, gusto mo maranasan mo ang hirap na dinaanan ko."

Tumawa sya ng nakakaloka, para syang baliw sa itsura niya.

"Baliw ka na talaga, dapat sa mental ka na dinadala"

Sabi ko sa kanya at agad syang nakalapit sakin at pinag sasabunutan niya ako.

"How dare you to say those words! You don't know what I've been through you bitch!"

Patuloy lang sya sa pag sabunot sakin, dahil wala akong laban, wala akong nagawa, tutulungan sana ako ni hell kaso hinawakan sya ng isang lalaki.

"Caroline stop!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Madi The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon