Chapter 14

244 13 5
                                    




Bumangon si Erik sa kamang inihigaan namin. Agad akong napatakip ng kumot sa aking mukha nang tumayo siya ng walang saplot man lang sa katawan. Umungol ako bilang protesta sa ginawa niya. Natawa lang siya nang marinig ang ginawa ko.

"Bakit?"

Napakagat-labi ako sa tanong niya. Biglang uminit ang pisngi ko. "Anong bakit? Wala kang saplot! Ano sa tingin mo ang magiging dahilan?"

Nakarinig ako ng pagdabog ng paa hudyat na tumalon siya pababa ng kama. Nakarinig ako ng kaluskos at maya-maya pa'y pagbukas ng cabinet. Napatingin-tingin ako sa kamay ko na nakataas para di bumaba yung kumot sa mukha ko.

"Nakita mo naman na ako, Ian. Nakita ko na rin yung kabuuan mo. Bakit kailangang magtakip pa?" rinig kong tanong niya.

"Oy! Kahit na! Di pa rin ako sanay, ano!" Umiling ako at huminga ng malalim. "Tapos ka na bang magpalit ng damit?"

Nakarinig ulit ako ng kalampag. Baka sinara niya ang cabinet. Rinig ko ang tikhim niya sa katahimikan ng kwarto niya. "Yup. Okay na. Halika na, magpalit ka na rin, babe!"

Namula ako sa ginamit niyang pantawag sa akin. Napalunok ako at dahan-dahang ibinaba ang kumot sa aking bibig. Tumingin ako sa paligid at napatili ako nang dumako ito kay Erik na nakatalikod sa akin.  Nagsusuot palang siya ng boxers niya! Narinig ko siyang tumawa at bumaling sa akin. Napapikit ako ng mariin at itinago ang buong namumula kong mukha sa kumot!

"ERIK!" reklamo ko.

"S-sorry. Sorry," natatawa niyang sambit.

Ilang minuto akong natahimik. Tumatawa pa rin siya at may ibinubulong-bulong na hindi ko marinig. Makalipas ang ilang minuto ay tumahimik ang paligid at nakarinig ako ng kaluskos. Kumunot ang noo ko nang walang marinig. Pabaling-baling sa kung saan ang tingin ko sa kumot. Nasaan na kaya 'yon? Napatikhim ako.

"Erik?" tawag ko pero wala akong marinig.

Sumingkit ang mga mata ko para makapokus sa ingay kung mayroon man. Pero wala akong marinig. Napakamot ako sa aking ulo nang bigla itong kumati. Tinanggal ko rin ang ilang muta sa mata ko dahil bigla akong naconscious. Maya-maya pa'y narinig kong may humagikgik sa paligid kaya nagtaka ako.

"Erik?"

Pero nanlaki ang mga mata ko at napatili nang biglang may humigit sa kumot na tumatakip sa akin. Sigaw ako ng sigaw dahil nahulog na yung kumot at tila nabudburan akong higad sa galaw na ginagawa ko. Naghanap ako ng pantakip sa aking katawan at nang makita ang unan y itinakip ko yun sa pribadong parte ng aking katawan. Dumako ang tingin ko kay Erik at tiningnan ko siya ng masama.

"Erik!" sigaw ko pantigil sa kanya. Tumigil naman siya sa katatawa. Tumingin siya sa aking mga mata at nawala yung ngiti niya nang makitang masama ang tingin ko sa kanya. Naka-pawad siya at kitang-kita ko ang kanyang balat sa loob ng kamisetang iyon. Lumapit siya sa kama nang makitang umupo ako sa gilid nito. Doon ay pinulot ko ang mga nahulog kong damit. Dumaan ang kahihiyan sa loob ko nang kumirot ang likuran ko. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ilang buntong-hininga ang ginawa ko. Namulagat ako nang maramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko. Napatingin ako rito at nagtama ang mga mata namin ni Erik habang inilalagay niya ang isang makapal na tuwalya sa balikat ko.

"Sorry..." bulong niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.

Napakurap ako sa sinabi niya. Libo-libong boltahe ang nagtakbuhan sa katawan ko dahil sa pagsambit niya sa salitang iyon. Tumango na lang ako sa kanya at hinawakan ang dulo ng tuwalya pantakip sa katawan ko. Napabaling ang tingin ko kay Erik nang tumayo siya.

May kinuha siya sa isang mesa, sa study table niya. Pagtingin ko rito ay isang chocolate na parang namelt na. Humarap siya sa akin at napakamot siya sa kanyang batok nang makitang nakatingin ako roon. Nahihiya siyang ngumiti sa akin habang itinataas niya ang chocolate sa paningin ko.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon