Chapter 16

207 12 2
                                    




Iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos kong magising sa ingay mula sa aking paligid. Unang bumungad sa akin ang puting liwanag at puting ceiling. Ipinikit ko ang aking mga mata para maiwasan ang sinag ng liwanag. I groaned and breath heavily to calm myself. Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa aking kinalalagyan. I tried my best to sit up which is a success. Inayos ko ang aking pagkakaupo at tiningnan ang pintuan na bumukas. Napakurap ako ng iniluwa nito ang aking mama na nakikipagusap sa isang babae naka-kiddy-nurse uniform.

"Pagpahingain niyo lang po siya, ma'am. I suggest na magkaroon po kayo ng treatment with the doctor para po maiwasan ang pagkakaroon niya ng asthma. Also, kung pwede po ay bilhan niyo siya ng kanyang inhaler. Sa nakikita ko ngayon ay magiging madalas ata ang pag-atake ng kanyang asthma. Oh," may kinuha ang babae sa kanyang bulsa at ibinigay niya iyon kay mama. "Heto po yung dapat ninyong bilhin pala para sa kanya, ma'am. On-time dapat po para maiwasan iyong asthma."

Kunot-noo akong nakikinig lang. Pero nang marinig ko ang salitang asthma ay napaawang ang bibig ko. Tinitigan ko ang dalawang babaeng nasa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na meron ako. Akala ko wala akong asthma. Kahit na may nangyari sa akin noon ay hindi ko naman inakala na asthma na pala iyon. Napapikit ako ng mariin. Ang tanga ko! Bakit di ko iyon agad naisip? I'm so careless na pati sarili ko ay hindi ko na alam ang nangyayari. Ano na ba ang nangyayari sa akin.

"Sige po. Thank you, doc. Makakaasa po kayo!" pasasalamat ni mama at tumango na lang ang nurse bago tumalikod. Pagkasara ng pintuan ay tumingin sa akin si mama at ngumiti sa akin. Yung ngiting masaya siya pero alam ko na sa likod nun ay isang malungkot na emosyon. Napayuko ako at iniwasan ang kanyang tingin. Pabigat ako. Alam ko pabigat ako sa nangyayari ngayon.

Umupo sa gilid ko si mama, sa aking kama, pagkalapit niya sa akin. She brushes my hair up and I look at her eyes. Ngumuso ako at nagyuko, pinipigilan ang sarili na maiyak. Pumikit ako ng mariin nang hinalikan ni mama ang noo ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Ian? Nagugutom ka ba, nauuhaw? May gusto ka bang ipabili?" Umiling ako bilang sagot sa mga iyon. Nagtaas ako ng tingin at hinawakan si mama sa kanyang kamay sa aking braso. I stared at her eyes. Looking at my reflection on those beautiful dark orbs, I can't help but cry. I feel hopeless. Ang bigat sa pakiramdan na isiping nahihirapan si mama nang dahil sa kalagayan ko ngayon.

"I-i'm sorry, mama. H-hindi ko po sinasadya..."

Umiling si mama at hinila niya ako papalapit sa kanya. Yinakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa aking tuktok ng ulo. "Wala kang kasalanan, 'nak. Wala tayong magagawa kung ganyan ang buhay. We can't change it. Kaysa magreklamo tayo, tanggapin na lang natin at lagpasan. Ganyan ang buhay."

Humagulgol ako sa yakap ni mama. Hindi ako umimik. Umiyak lang ako doon habang iniisip ang mga maraming bagay na mangyayari. Hindi ko man aminin pero alam ko sa sarili ko na baon kami sa mga utang ngayon. Tumakas naman kase yung taong umutang kay mama kaya nahihirapan na kami ngayon. Naiinis ako sa sarili ko na meron ako nitong asthma. Hindi nakakatulong ito sa sitwasyon namin ngayon. Suminghot ako at pumikit ng mariin. Sana malagpasan namin ito. Sana lang talaga.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan. Napatingin kami ng sabay ni mama dito at humiwalay siya ng yakap nang makita ang isang binatang kasing-edad ko at mas matangkad kaysa akin. Tumayo si mama sa aking gilid habang nakatingin sa lalaki. Suminghot ako at nag-iwas ng tingin sa mga titig ni Erik. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?

"Erik, hijo, bakit ka nandito?" tanong ni mama. Tumingin siya sa kanyang relo na suot at kumunot ang kanyang noo. "Hindi pa tapos ang klase ninyo, a?"

Nagbow si Erik kay mama. "Sorry po, tita. Nag-excuse naman po ako sa klase. Nag-aalala po ako kay Ian kaya pumunta ako dito."

Dahang-dahan tumango si mama habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Nakayuko lang ako at pasimpleng pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Hindi ko na titingnan dahil alam ko na nasa akin ang mga mata ni Erik. Nararamdaman ko iyon kaya naiilang ako.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon