Chapter 17

203 13 3
                                    




"Mama, una na po ako!"

Hindi ko pa naririnig ang sagot ni mama nang maisara ko ang gate namin. Habang inilalock ko iyon ay tumingin ako sa madilim na kalangitan. Napanguso ako nang makitang walang mga bituin at tanging ang half moon lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi. Nakarinig ako ng papalapit na sasakyan kaya napatingin ako sa kanan ko at isang tricycle ang dadaan sa harap ko. Hindi ko makita kung anong klaseng sasakyan dahil hindi nakabukas yung poste ng ilaw sa tabi ko. Pero sa huni ay alam kong tricycle iyon. Sinundan ko ng tingin ang tricycle na dumaan sa harap ko. Baka school mates ko yun. Nakadaan na yun at walang pag-aalinlangang ngumiti ako.

Sa araw na kase ito gaganapin yung Foundation day namin. Yun yung pagpraktis namin ng kagrupo ko. Tapos, pinagkaabalahan ng mga SSG Officers at maging kaming mga estudyante. Hindi siya rush, okay. Pero dahil nagkaroon ng pagkukulang kanina ay ayun, nagmadali kami. Buti na lang talaga at naayos naman bago pa magdilim.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa aking cellphone at tiningnan kung sino ang nagtext o tumawag. Pareho kase yung ringtone sa phone ko yun. Kaya di ko alam kung text ba o tawag. Mapalitan nga mamaya.

Oy, si Erik.

Teka, may dumating pang mensahe.

Nagsimula akong maglakad papunta sa school. Takang-taka ako kung ano yung itinext nila sakin. Tumigil ako sa isang malapit na poste at palinga-linga ako sa paligid ko kung sakaling may magsabing bawal. Wala naman kaya siniwitch on ko na. Tumunog iyong pagtaas ng switch at lumiwanag ang paligid. Napatingin ako sa kanan ko at sa kaliwa. Hayan, maliwanag na.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malaki. Okay, ready na ako. Nagtuloy na akong maglakad at lumiko. Tiningnan ko ang cellphone ko para basahin na yung text ng dalawa. Ano kaya to no? Sana lang di problema.

Pinindot ko ang mensahe ni Afrille. Babasahin ko na sana nang biglang tumahol yung aso kaya napatalon ako sa gulat. Namura ko pa yung aso at bigla na lang akong natawa. Bakit kase nangugulat. Nakakainis ha!

Nilagpasan ko na iyon at tiningnan ang text ni Afrille.

Fr. Afrille

Boo, dali na! Asan ka na?

Ngumiti ako sa text niya. Nasa akin kase yung isang tela na kukumpleto sa costume niya. Magpeperform sila kase... Folk dance. Sumali dahil gusto niya daw matry eh. Nagtipa ako ng mensahe.

To Afrille

Malapit na ako. Asan ka ba?

Tumingala ako sa daan at nakitang malapit na ako sa eskwela. Rinig na rinig na ang tugtog mula sa loob at gulat na gulat ako nang tumugtog yung isang Blackpink's song na Playing with Fire. Wah, kpop song! Mas natuwa ako para sa gabing ito.

Naglakad ako papasok sa gate. Hindi sa main gate iyon. May isang sasakyan sa loob, kulay dilaw. Yung sasakyan na nagdala ng speakers. Pagpasok ko doon ay marami ng tao. Matanda at bata na nakapormal na suot. Yung iba hindi naman. Yung normal lang naman na suotin. Ngumiti akong lumapit nang makita si Afrille na bumibili sa isang nakatayong booth dun. Nagtitipa ng reply para sa akin.

Agad akong lumapit para sana gulatin siya.

Pero ako ang nagulat nang magsalita siya.

"Ang tagal mo, ha!" sabi niya at humarap sa akin.

Ngumuso ako. "Sorry na! Inayos ko pa bag ko eh. Swerte mo nga plinantsa ko yun."

Ngumiwi siya sa akin at piningot ang ilong ko. "Ba't mo plinantsa? Buti hindi mo nasunog iyon!"

Umirap ako sa kanya. "Buti nga hindi eh. Nag-ingat naman po ako."

"Heto na yung milo, hija." May nagsalita. Tiningnan ko iyon at si manang! Hala, yung nagbilhan ko ng milo dati.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon