Kabanata 8

104 6 1
                                    


"ISA kang sireno pero kaya mong makahinga sa lupa?" manghang tanong niya kay El.

Natutukso na siyang tingnan ang mukha nito pero hindi niya magawa.

"May iba't-ibang kakayahan din kaming mga sireno at isa roon ang pagiging mangkukulam. Kaya kong gumawa ng mga salamangkang para sa sarili ko."

"Ang galing. Napaka-cool mong sireno. Kaya pala kaya mong makahinga sa lupa."

Kulay asul ang buntot nito na katulad ng buntot ng isang pating.

Walang ano-ano'y biglang umangat ang mukha niya at tumambad ang pinakaasul na matang nakita niya sa buong buhay niya. Para siyang tumitingin sa malawak na asul na karagatan.

Matangos ang ilong ni El na bumagay sa maputi nitong kutis, mas maputi pa kaysa sa kanya. Ang panga nito ay kasing talim ng kustilyo nila sa bahay.

Huli na nang mapagtanto niyang bawal pala siyang tumingin sa mga mata nito.

Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Mapapaibig mo rin ba ako gaya ng ginawa mo sa ibang babae, El?"

Humalakhak ang ito at pansamantalang napahinto ang mga mang-aawit sa tabi.

Napabuntong-hininga ang mga ito na para bang tinamaan ng pana ni Kupido.

"Iyon ba ang kumakalat na usap-usapan sa akin?"

"Sabi nila, iibig daw agad ang sinumang babaeng makaka-eye contact mo. Totoo ba iyon?"

Sumeryoso ito. "Totoo iyon."

Tumalon ang kanyang puso.

Patay siya. Iibig na ba siya ngayon kay El?

Tama nga si Ara. Si El ang pinaka-gwapong lalaking nakita niya. Walang panama sa kagwapuhan nito si James Reid (ang ultimate crush niya).

"Sigurado ka bang hindi ako mai-inlove sa iyo?" pag-iiba niya sa tanong. Baka pinaglalaruan lang siya ng lalaki.

Marahang tumawa si El, kita ang perpektong mapuputing ngipin nito.

Pwede na ba siyang kumanta ng "Nasa Iyo na ang Lahat?" ni Daniel Padilla?

"Hindi, Quene. Mai-inlove ka kung gagamitin ko ang kakayahan ko. Hindi ko gagamitin iyon sa piling mo. Alam mo bang ikaw lang ang taong matagal kong nakausap?"

"Hindi mo talaga nakikita ang angkin kung kagandahan?"

Hinawi nito ang ilang hibla ng mga buhok niya na nagpatigil sa pagtibok ng kanyang puso. Posible ba itong nararamdaman niya? Para siyang tinamaan ng pana ni Kupido (naniniwala na siya ngayon kay Kupido).

"Nakikita ko na."

"Talaga?"

"Oo. Nakikita ko na kung gaano kabusilak ang iyong puso."

Hindi pa rin nito nakikita. Sa kabilang banda, mas maganda na rin iyon. Mas magandang hindi panlabas niyang kaanyuan ang titingnan nito.

Inilahad nito ang kamay nito. "Sumayaw tayo."

Tumango siya.

Napasinghap siya nang paglabas nito, nawala na ang buntot nito at napalitan ng mga paa ng tao.

"Sinabi ko ng isa akong mangkukulam."

Inabot niya ang kamay nito at sumayaw sila sa tugtog ng musika. Ito ang nagsisilbi niyang guide sa pagsayaw dahil hindi siya bihasa sa steps ng sinasayaw nila.

The Naughty Lady of San NicolasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon