Kabanata 11

113 5 0
                                    


KUNG madali ang pagpasok sa teritoryo ni Gordon, mahirap naman ang pagpasok sa kwarto nito. May dalawang gwardiya na nagbabantay sa kwarto nito at hindi pa idagdag ang isa na bantay sa kabinet.

Walang kaalam-alam si Ara sa gagawin niya. Pinagpahinga na muna niya ang babae upang mabawi nito ang lakas. Siya na ang gumawa sa mga gawain nito upang hindi maparusahan ni Gordon.

Isang babae ang papunta sa kwarto nito na may dalang mga kumot ang pinigilan niya.

"Anong gagawin mo riyan?"

Tiningnan siya nito at inilayo ang dala sa kanya. "P-papalitan ko ang mga kumot sa kwarto ni Gordon. Naghilom na ba ang sugat mo?"

Kinuha niya ang mga dal anito. "Ako na ang bahala rito. Huwag mo na akong alalahanin."

Kailangan niyang makapasok sa kabinet na iyon kahit anong mangyari.

"Huwag mo akong idamay sa gagawin mo, Quene."

"Makakaasa ka."

Iniwan niya ito at pumunta sa harap ng pinto ni ng kwarto ni Gordon.

Hinarang siya ng mga gwardiya.

"Saan ka pupunta?"

"Excuse me? Obvious namang sa loob. Papalitan ko ang mga kumot ni Gordon. Napakaalikabok na ng mga iyon."

"Sigurado ka bang iyon lang ang pakay mo?"

Ibinigay niya rito ang mga kumot.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa sa ginawa niya. "Kung hindi ka naniniwala, kayo na ang magpalit at maglinis sa buong kwarto niya. Iyong malinis na malinis talaga para hindi niya kami parusahan."

Walang ano-ano'y ibinalik nito sa kanya ang mga kumot.

"Bilisan mo lang. Huwag ka ring kumuha ng kahit na ano."

"Opo."

Parang isang mini-forest ang kwarto nito. Napapalibutan ng mga halaman ang kama samantalang dinodomina ng kulay kayumanggi ang buong kwarto. Sa unahan ay ang kabinet na hinahanap niya at bantay-sarado ng isa pang gwardiya. Sa sobrang seryoso nito sa responsibilidad, nakakalimutan nang gumalaw.

Problema na niya ngayon kung paano ito mapapaalis.

Inuna niyang asikasuhin ang trabaho habang nag-iisip kung paano makakapasok sa kabinet na iyon.

Uubra kaya rito ang pagpukpok sa ulo nito?

Hindi. Bago pa niya ito masaktan, nakatulog na siya. O baka dinala na siya nito sa harap ni Gordon. Walang Gordon sa araw na ito.

Lumapit siya rito at kinalabit ang gwardiya. "Excuse me. Kulang pala ang kumot. Baka may extra riyan sa kabinet. Pahiram naman. Isasauli ko rin naman kapag may nakita akong pampalit."

Itinulak niya ito at bubuksan na sana ang kabinet nang bigla daklutin ang kamay niya at marahas siyang itinulak., Muntik na siyang mapasubsob sa sahig.

"Anong gagawin mo? Bawal ka rito. Umalis ka na."

"Sabi ng kulang ang mga kumot."

"May balak ka ba? Kung anuman ang balak mo, itigil mo na. Wala iyang magandang idudulot sa iyo. Naalala mo ang paghampas sa iyo ng latigo? Mas madaragdagan pa iyon kapag nagpatuloy ka."

Sino namang makakalimot sa masakit na parting iyon ng buhay niya?

Bigla tuloy kumirot ang likod niya kahit walang sugat.

The Naughty Lady of San NicolasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon