Epilogue

182 6 12
                                    


NASA baybayin si El, hihintay ang paglubog ng araw. Isang taon na rin ang lumipas nang huli niyang makita si Quene. Nasa mundo siya ng mga tao, nagbabakasakaling makita si Quene pero bigo siya.

Gusto lang niyang malaman kung ano na ang nangyari sa babae. Kung maayos na ba ang buhay nito o kung ano-ano pa.

Walang ano-ano'y bigla na lamang may tumabi sa kanya. Isang lalaki. Sandali. Kung hindi siya nagkakamali, si Demetrio iyon.

"Ang ganda ng mga alon, hindi ba?" tanong nito.

Tumango siya.

"Bagay lamang sa alak na dala ko. Tagay tayo."

"Ayoko. Hindi ako sanay riyan."

"Naku. Hindi magandang tanggihan ang kabutihan ng isang tao. Sige na, pre. Isang shot lang naman. Hindi ka malalasing nito."

Sa huli, tinanggap na rin niya.

Kinuha niya ang basong may alak na inalok nito at tinungga iyon.

Isang baso. Hindi iyon makakalasing sa kanya.

Kumalat ang init sa kanyang lalamunan at napailing.

"Anong tawag sa alak na iyon? Sobrang tapang."

Ngumisi ang lalaki. "Hindi iyon alak. Isa iyon sa potions na pinagawa ko."

"Anong-"

Umikot ang paningin niya hanggang sa animo sinusunog ang katawan niya.

Narinig niya ang halakhak ng lalaki.

"Humihingi na ako ng tawad ngayon pa lang. Gamit ang salamangka, isa ka na ngayong spell book. Bagay lamang iyan sa iyong walang ginawa upang pigilan si Gordon habang isa-isa nitong pinatay ang mga alay. At wala kang ginawa upang tulungan si Ara, ang kapatid ko. Ngayon, mararamdaman mo na rin ang pagluluksa na naramdaman ko."

Iniwan siya ng lalaki sa dalampasigan, mag-isa habang hindi pa rin ma-proseso ng utak niya kung paano ang isa sa pinakamagaling na sirenong mangkukulam ay nagawang isahan ng isang tao. 

++++++

TOTAL WORD COUNT: 18, 073 WORDS

DATE COMPLETED: JANUARY 20, 2017

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Naughty Lady of San NicolasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon