Chapter 28: No More Dream

17.1K 804 2.4K
                                    

Simula noong umalis si Theo sa bahay ay parang nawala ang saya sa amin, si Naddieson ay mahimbing na natutulog sa sofa habang hawak-hawak niya ang binigay na regalo ni Jinver sa kanya na mario stuff toy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula noong umalis si Theo sa bahay ay parang nawala ang saya sa amin, si Naddieson ay mahimbing na natutulog sa sofa habang hawak-hawak niya ang binigay na regalo ni Jinver sa kanya na mario stuff toy.

Si Raphael at Jaxon ay umalis na dahil babalik na daw sila sa dorm, hindi naman kasi pwedeng makitulog pa sila sa kwarto nila Jennie dahil syempre private na yun.

"Di pa ba tayo matutulog?" Tanong sa akin ni Jinver.

"T-Tara na." Sabi ko bago ako tumayo at nauna ng pumanik sa kwarto ni Jisoo para pagbuksan sila ng pinto, napalingon ako sa likod ko at nakita kong buhat-buhat na ni Jinver si Naddieson na tulog na tulog.

Marahan niyang inilapag sa kwarto si Naddie sa kama, hinintay kong maayos na ang pagkakahiga ni Naddie bago ko pinatay ang ilaw sa kwarto.

"Matutulog na ko, goodnight." Sabi ko kay Jinver bago ako lumabas ng kwarto ni Jisoo, pumasok ako sa kwarto ko at laking gulat ko ng biglang pumasok din doon si Jinver.

"Let's talk." Sabi niya bago niya ini-lock ang pinto ng kwarto ko.

"Sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ko.

Walang kaano-ano ay bigla nalang siyang nahiga sa kama ko at hinila ako papalapit sa kanya, napairap ako habang hinihila niya ako. Tinapik niya ang kama ko kaya napabuga ng hangin sa kawalan bago ako sumunod sa gusto niya.

"Anong pag-uusapan natin? Sa kwarto ko, dito mismo sa kama ko." Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Wala naman..." Nag-aalangang sabi niya.

"Wala naman pala eh, lumabas ka na. Matutulog na ko." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin sa halip ay bumuntong hininga nalang siya.

"Okay. Promise me, kahit anong mangyari sa akin ka lang maniniwala." Seryosong sabi niya sa akin.

"Hindi ko kaya Jinver, papaano kung dumating sa punto na alam kong nagsisinungaling ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Just trust me, okay?" Seryosong sabi niya, kaya naman napairap na naman bago ako walang ganang tumango sa kanya.

"Good." Aniya.

Naramdaman ko ang pagpikit ng mata dahil sa antok pero pinilit ko pa rin na dumilat ako dahil magkausap pa kaming dalawa.

"Inaantok ka na?"

"Hindi pa." Pagsisinungaling ko.

"Tss, sige na. Matulog ka na." Sabi niya sa akin bago niya hinila ang kumot para maitakip sa katawan ko.

"Umalis ka na ng kwarto ko." Sabi ko sa kanya at tumango lang siya sa akin habang tinatapik niya ang baywang ko.

"Aalis ako mamaya, hihintayin lang kitang makatulog."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya, sa sobrang kaantukan ko ay dahan-dahan ng bumagsak ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon