Chapter 46: 2 Cool 4 School

15.1K 682 2.9K
                                    

"Tara! Bilisan nyo! Ang bagal mo naman Gabo

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

"Tara! Bilisan nyo! Ang bagal mo naman Gabo." Reklamo ni Theo habang naglalakad kaming apat papatakas sa campsite.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang hinihila niya ako sa maputik na lugar na 'to. Si Jinver at si Gabo ay nakasunod lang sa aming dalawa habang may hawak-hawak silang flashlight para tapatan ng ilaw yung dinadaanan namin.

Sa totoo lang ay kaya kami tumakaw na apat ay para lang makagawa kami ng bonfire at makapag-ihaw ng marshmallow doon, iyon lang ang dahilan. Habang nagkakatulog ang mga kaklase namin sa campsite kami ay nandito sa medyo kalayuan na.

"Eto! Dito nalang tayo. Ayos na dito." Sabay turo ni Jinver sa isang pwesto na kung saan medyo maluwag at ayos lang para makagawa kami ng bonfire.

"Sige." Sabi ko bago ako umupo doon sa isang nakatumbang puno.

Nagtulungan kaming apat sa paglagay namin ng mga sanga at mga kahoy na nakita lang namin sa tabi-tabi hanggang sa sinindihan na iyon ni Jinver gamit ang dinala niyang lighter, mabuti nalang at naitakas namin yung lighter. Sa totoo lang ay planado na talaga namin 'to bago pa matuloy yung camping.

"Woah! Ang ganda." Sabi ko habang nakatingin ako sa apoy.

Inilabas na ni Jinver ang mga marshmallow na nasa bag niya, tinusok namin iyon sa stick at pinainitan namin sa apoy pero kamalas-malasan ay masyadong nainitan yung akin kaya natunaw iyon hanggang sa nahulog.

"Aish! Sayang!" Reklamo ko bago ko kumuha ulit ng mashmallow at pinainitan iyon.

"Pagtapos nating kumain bumalik agad tayo sa campsite, baka mahuli nila tayo." Sabi ni Jinve sa amin pero hindi namin siya pinansin na tatlo dahil nag-eenjoy kami ngayon.

Kalahati nalang ay mauubos na namin ang mga marshmallow hanggang sa nakarinig kami ng kaluskos.

"A-Ano yun?" Kinakabahang tanong ko.

"Ang alin?" Tanong ni Theo sa akin.

"Yung kumakaluskos." Natatakot na sabi ko.

Natahimik kaming apat ng marinig naming mas malakas na kaluskos nito ngayon kaya naman mabilis kaming nagsitayuan para makapagsama-sama kaming apat sa isang tumpok na para bang pinuprotektahan namin ang bawat isa.

Kumuha si Gabo at Theo ng mga kahoy na nakakalat bago nila iyon tinapat sa kumakaluskos.

"S-Sino yan? M-Multo ba yan?" Tanong ni Theo sa kumakaluskos.

"Umurong tayo baka mamaya ay werewolf pala 'yan." Kinakabahang sabi ko bago ko sila hinila papalayo sa kumakaluskos.

"Lumabas ka dyan! Hindi kami natatakot sa'yo!" Sigaw ni Theo kahit obvious namang natatakot na rin siya.

"Bakit kayo matatakot sa akin?"

Sabay-sabay kaming napasigaw na apat ng biglang may lumitaw na babaeng nakasuot ng hoodie na kulay itim, nakita kong nagtataka siyang napatingin sa aming apat.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ