Chapter 30: Purpose

14K 724 1.3K
                                    

Napafacepalm ako ng biglang nagflying kiss Jinver sa akin, no

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Napafacepalm ako ng biglang nagflying kiss Jinver sa akin, no... I mean he's violently throwing a kiss, sa totoo lang imbes na matuwa ako ay nahihiya ako. For pete's sake kaharap namin sila Raphael and it's too awkward since hindi naman malinaw ang kung anong meron sa amin ni Jinver.

"Guys, I think... Kaylangan na talaga nating gumawa ng paraan para mapa-alis si Theo dun." Suggestion ni Raphael at sumang-ayon naman agad ako.

"Raph, hindi ko ma-contact si Mayor." Nag-aalalang sabi ni Jax.

"Patay tayo diyan." Kumento ni Jimson.

Napasandal ako sa sofa bago ako napapikit ng mariin dahil sa sobrang frustrate ko, kahit hindi kami ganoon ka-close ni Theo ay nag-aalala ako para sa kanya, siya ang main suspect at ayaw siyang paalisin ni Mayor sa kulungan.

"Can I ask something?"

Pare-pareho kaming napatingin kay Naddie ng magtanong siya, nakataas pa ang kamay niya na para siyang magtatanong sa teacher niya, awkward niya iyong ibinaba ng makita niyang seryoso kaming lahat.

"Kuya Raphael, can I ask something?" Pag-uulit niya, tumango nalang si Raph para mabigyan siya ng pagkakataon na magsalita.

"Kuya... How did you know that Ate Jisoo's first is Kuya Theo? I'm just... curious."

Bigla akong napatingin kay Raphael ng marealize ko ang tinanong ni Naddieson, nag-pop up lahat ng katanungan ko sa utak dahil sa isang tanong lang, lahat kami ngayon ay nakatingin kay Raph na hindi kumikibo, para bang na bigla rin siya sa tinanong ni Naddie.

"A-Ano..." Napatingin siya sa akin na para bang nag-iisip siya kung sasabihin ba niya o hindi.

Napabuntong hininga siya bago siya umayos ng upo at muling tumingin kay Naddie na diretsong-diretso ang tingin kay Raph.

"Fine, to be honest I don't trust anyone in our house." Diretsahang sabi ni Raph na naging dahilan para mapataas ang kilay naming lahat.

"Yes, I'm serious. I don't trust you, or you, or even you." Ani Raph habang tinuturo si Jin, si Jax at si Jimson. "But that was before." Dagdag niya na naging dahilan para makahinga kaming lahat ng maluwag.

"Dahil nga wala akong tiwala sa kahit sino sa inyo dati ay naglagay ako ng CCTV camera or we can say that it's a hidden camera, just to make sure na wala kayong binabalak na masama na hindi ko alam o hindi naman kaya ay labag sa akin, since ako ang leader." Umayos siya ng upo bago siya nagbuga ng hangin.

"Kahina-hinala ang nangyari sa welcome party ni Jisoo, namatay si Matthew at ako ang napagbintangan, ako ang dinidiin ni Lisa kaya naman gumawa ako ng paraan para alamin kung sino nga ba ang pumatay, naalala ko yung mga hidden camera na nilagay ko maski sa loob ng bathroom--"

"Oy! Oy! Oy! Di nga?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimboy.

"Masama kutob ko sa'yo Raphael, kaya pala pakiramdam ko kapag naliligo ako parang palaging may nakatingin sa akin. Akala ko naman yung lintek na pusa lang 'yun, ikaw pala ang may kagagawan." Reklamo ni Jaxon.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ