13 - First Date

1K 40 10
                                    

"Kapag nasaktan ulit s'ya nang dahil sa 'yo, mananagot ka na sa 'kin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr. Hambog at nagsimula na ang bulong-bulungan. May mga kumukuha pa ng picture habang hawak ni Mr. Hambog ang kamay ko. Gustuhin ko mang tanggalin ang kamay ko na hawak n'ya ayaw naman n'yang bitawan at lalo pang hinihigpitan.

Ito kaya yung sinasabi n'yang plano? Hindi man lang ako inabisuhan!

Tumayo si Calmae na salubong ang kilay at umuusok na ang ilong.

"B-Bakit? Ano naman sa 'yo kung anong mangyari sa kanya? S'ya naman ang totoong may kasalanan dito!"

"Kasi interested ako sa kanya."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ano ba 'tong eksena na ginawa n'ya! Nakakakaba!

"You are not the kind of man na magaling mag-joke kaya don't pretend you can," tatadyak sana ako kaso hinatak ulet ako ni Mr.Hambog palabas ng room, si Calmae naman humahabol.

"Sabi ko na nga ba hindi totoo na nabalian ka," Paglingon nga namin saka ko lang napansin na tuwid nga sa paglalakad si Calmae, siguro dahil sa pagka-surprised nakalimutan n'yang pilay-pilayan s'ya.

Ngayon, si Calmae naman ang pinag-fiestahan ng mga camera. Siguradong kakalat agad ang balita sa school. Ang kaso nga lang, baka pati yung sa'min ni Mr. Hambog kumalat.

Binitawan na ni Mr. Hambog ang kamay ko, "You're just using this girl para may excuse ka na hindi makasali sa competition so I used her too para lumabas din ang totoo," mahina n'yang paliwanag na sapat lang para kaming tatlo lang ang makarinig. Umalis na lang si Mr. Hambog at iniwan ako dito sa room ng 2-B. Masama ang tingin ko kay Calmae, kung alam n'ya lang lahat ng pangangantyaw na ginawa ng mga supporters n'ya sa'kin eh.

Si Davenant nakita ko rin na nakatayo sa pintuan, halata sa muka ang disappointment.

"Okay ka lang? Masakit ba gumawa ng kwento?" tanong ko ulet sa kanya para makonsensya sya pero deep inside naaawa ako sa kasi hindi n'ya malaman ang gagawin, hindi n'ya malaman kung anong ipapalusot sa ginawa n'yang kwento.

"It's your plan! Guys! Plano n'ya lang 'to. Ginamit n'ya si Blaire against me! Believe me. I'm telling the truth," kaso mukang hindi na s'ya pinapaniwalaan ng mga classmates n'ya na abalang i-upload ang pictures n'yang nakakatayo s'ya ng tuwid at walang injury.

Siguro naman kung ganu kabilis kumalat ang maling balita ganun din kabilis mag-spread ang katotohanan?

May lumilipad na bottled water na mukang kay Calmae ang bagsak. Ayokong inaapi ako ng ibang tao pero mas ayokong may inaapi sa harap ko. Hinarangan ko ang katawan ko sa kanya kaya sa ulo ko tumama yung bote. Ayos lang naman. Hindi masakit. Sanay naman ang ulo ko sa ganyan. Ang masaklap lang, nabutas yun at tumapon sa ulo ko ang tubig!

"Nagpapakabuti ka sa harap ng iba para in the end ako ang lumabas na masama ang ugali. I hate that attitude!"

Pinunasan ko ang ulo ko, "What do you think of me? Am I stupid? Ginawa ko yun para makonsensya ka, hopefully meron ka nun," then nilayasan ko s'ya, nakasalubong ko si Davenant na hindi man lang makatingin sa'kin.

Pa'no na lang kaya kung hindi dumating si Mr. hambog? Ano na lang kaya ang nangyari sa'kin?

"Bananonina."

Nasa hallway pa si Mr. Hambog, ako kaya ang hinihintay n'ya? Papalapit s'ya sa'kin pero siguradong hihingi 'to ng kapalit dahil sa malaking abalang ginawa n'ya para sa'kin.

"May utang na loob ka na naman sa'kin bananonina, humahaba na listahan mo."

"Gusto ko sanang magpasalamat kaso mga admirer mo naman ang aaway sa 'kin sa mga susunod na araw."

Our Fancy Romance | #Wattys2020Onde histórias criam vida. Descubra agora