Chapter 5: Why so kind?

6.7K 194 20
                                    

Kahit ako yung nanalo sa contest, I'm not that busy. Minsan tinatawagan ako kapag may shoot pero once every two weeks lang yun kaya naman maayos pa rin ang pag-aaral ko. It's more than a month but I didn't have the courage to message Luke. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya? Kapag nag hello ba ako ay anong sunod pagkatapos nun?

Hiyang-hiya ako. Ang isang katulad ko ay makakatext sya? Hindi ko alam kung anong klaseng swerte meron ako ngayon at nangyayari sakin ito. Kailangan ko na bang i-grab?

I was holding my phone. Should I text him? I bit my lower lip. Alright! I'm gonna text him now. Not later, not tomorrow, as in now.

To: Luke
Hi, Good afternoon Luke! - Cassidy

Maureen ang una kong inilagay sa hulihan ng message but I changed it to Cassidy kasi na-realize kong iyon nga pala ang tawag nya sakin. Isesend ko pa lamang ang message ko nang may tumawag at laking gulat ko dahil yung taong dapat na itetext ko, siya yung tumatawag ngayon!

Bumuntong hininga muna ako para maalis ang kabang nararamdaman saka sinagot ang tawag.

"H-hello?" nauutal kong sagot. Napalagok pa ako ng laway. Hindi ko alam kung maririnig ba yun sa kabilang linya o ano.

"Cassidy." Boses pa lamang nakakapanindig balahibo na! Yung boses na malalaman mo kaagad na gwapo ang kausap mo, yung boses na pwedeng magpa-inlove sayo.

"L-Luke?" Ang bilis ng tibok ng puso. Hindi ko alam kung bakit ganito itong bwisit kong puso. Is it because I'm nervous? I'm not in love 'kay? I'm just a fan. Sige na, sabihin na natin na crush ko siya pero hindi ako inlove sa kanya.

“May shoot daw kayo next week.”

"Ah ganun ba? Oh sige. Where's the venue?”

“Sa Puerto Galera. Get ready, 2 nights daw tayo roon.”

“Okay. Thanks. I-tetext ko na lang si Kai sa iba pang details. Siya ba ang photographer?" Si Kai yung malimit na kumukuha sakin. Naging kaibigan ko na rin siya dahil ng mga shoots. 

"Huwag na. Ako na lang ang i-text mo." Nang dahil sa sinabi niya ay bigla akong napaubo. As in yung ubo na sunod-sunod. Oh great! Nakakahiya! Nasamid ako sa sarili kong laway! 

"Are you okay? Cassidy? Cass!" 

"Sorry... Sige na, may gagawin pa ako." Narinig ko siyang bumuntong hininga. 

"Ako na lang ang i-text mo, Cass." Nakagat ko ang labi ko. Ang bait talaga nitong si Luke! Ganito ba talaga siya makipagkaibigan? 

"Nakakahiya... busy ka di ba? Baka maistorbo kita." 

"No. Okay lang. And if you need help, you can count on me." 

"O-okay. Salamat." Nauna na niyang ibaba ang tawag. 

Talaga bang nakausap ko siya? Kung ganito pala maging fan girl, ang saya naman! 

May kumatok sa pintuan saka ito bumukas. Si papa, at may dala siyang isang box. 

"Maureen, may padala para sayo." Malumanay nya itong ibinigay sa akin. 

“Huh? Ano kaya ito?”

"Nakalagay dyan eh. Tingnan mo." Binuksan ko agad yung box at nagulat ako sa mga tumambad na magazine sa harap ko! 

Ito yung shot namin ni Luke! Buhat niya ako habang nakatingin kami sa isa't isa. Humalakhak si papa sa tabi ko. 

"Ang ganda ng anak ko. Hindi ko akalain na magagawa mo iyan dahil late ka na talaga nagdalaga. Iyang batang iyan... Iyan yung nasa mga commercial di ba? Kay gwapong bata." 

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon