Chapter 20: Okay now

4.4K 128 7
                                    

Follow me on facebook: www.facebook.com/crunchh.wattpad

Twitter: @imericacruzat

==

Chapter 20

Nagising ako sa isang pamilyar na amoy. Gustong-gusto ng buong sistema ko ang amoy na iyon. Nasa malambot akong higaan. I gently opened my eyes and saw a not familiar place. Where am I?

Bumangon ako. I realized I am not wearing the same dress. Nakasuot ako ng malaking T-shirt na pang-lalaki at wala akong suot na pang ibaba maliban sa underwear ko.

May nag-abot sa akin ng mainit na kape. Tumingala ako para makita sya. I saw Luke with a serious face.

"Coffee Cassidy."

Hindi ko iyon tinanggap kaya inilagay na lang nya sa side table ang kape. Umupo sya sa tabi ko. 

"Nasaan ako?" I asked.

"What are you doing to yourself?" he asked madly.

"Sino ang nagpalit ng damit ko? Ikaw ba?"

"Magpapakamatay ka ba?!" Mas tumaas ang tono ng boses nya. 

Kapag nagtatanong ako ay sinasagot nya ng tanong din. Tumingin ako sa kanya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sakin.

"Sana hinayaan mo na lang akong mabasa ng ulan at mamatay dun. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko."

He hugged me warmly. Napapikit ako sa kakaibang init na ibinibigay niya. Parang sa simpleng yakap nya ay protektado ako at hindi pwedeng magalaw ng kahit na sino. Yung kaninang galit na Luke Anthony Trias ay naglaho ng parang bula. Napalitan ito ng pagiging caring na Luke. Oh God, I missed him.

"Gusto mo ba akong mabaliw sa mga ginagawa mo? Don't do this. Kung nahihirapan ka, iparamdam mo sakin dahil dadamayan kita. Never do that again. Mabuti na lang nandun ako... I do not know what to do if something bad happens to you."

Niyakap ko siya nang mahigpit. I missed him! Sa wakas may taong pipilit na intindihin ako. Sa mga problema ko sa sarili ko at sa nangyari sa amin ni Jane. Hindi ko inaalis ang yakap sa kanya hanggang sa sumagi sa utak ko ang mga ginawa nya sakin. Biglang bumalik ang mga alaala ng panloloko niya.

Bakit bigla siyang dumating ngayon? Ano ang motibo niya sa paglapit na naman sakin?

Tumayo ako. Nagmistulang dress ang malaki  niyang T-shirt.

"Anong motibo mo? May balak ka na naman na saktan ako?"

"What? Hindi kita maitindihan." Napaawang ang kanyang bibig.

"Bakit bigla kang nawala tapos bigla ka na lang din babalik? Bakit nagbibigay ka na naman ng motibo sakin kung alam mo naman sa sarili mo na hindi mo ako gusto? Sadya ka bang ganito, Luke? Pinaglalaruan mo ang mga babae." Tumayo sya. "Bakit parang nagugustuhan mong saktan ako? Ano bang ginawa ko sayo?"

"Wait... wait. Hindi ko maintindihan. What do you mean? I don't want to hurt you, Cassidy... even if you're hurting me a lot. Kahit pa nasasaktan ako nang dahil sayo, hindi ko kayang saktan ka."

Sa sobrang tangkad niya ay kapantay lang ng mga mata ko ang dibdib niya. Ikinulong nya ako sa kanyang bisig.

"Even if you don't like me... I still like you... a lot Cassidy. A lot. So don't think I want to hurt you."

"Kung ganun ano talaga kayo ni Jasmine?" Nagdududang tanong ko. I don't get it.

Umalis sya sa yakap. He frowned.

"What about me and Jasmine?"

"Hindi ba kayo naman talaga? I saw you with her... sa loob ng make-up room mo. You and her kissing." Ugh! I remembered all the details. The kiss... the hug. Despicable creatures!

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon