Chapter 12: Lights... camera, action!

5.2K 137 14
                                    

Napatingin ako kay Luke sa sinabi ni Jasmine. Hindi ako makapaniwalang ganito ang ugali ng Jasmine Du na ito. Bakit parang ang yayabang at masama ang ugali ng mga sikat na artista? Ganun ba dapat yun?

Akmang magsasalita si Luke pero hindi na iyon natuloy dahil sa paglapit ni Lyndon sakin.

“Uy, Maureen! Tayo naman ang sumayaw.”

“What the hell man? Nandito ka? Akala ko ayaw mo sa mga ganitong lugar?” tanong ni Lloyd kay Lyndon.

“Hey, cousin! Ngayon lang ulit kita nakita! Este nakikita pala kita sa tv. Hindi nga lang sa personal.” Nag high five silang dalawa.

“Mag-pinsan kayo?”

“Yeah! He's a Sebastian too! Cool! Close kayo ng pinsan ko, Maureen?” Hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Lyndon kaya ngumiti na lang ako.

“Yeah. Close na close kami,” si Lloyd ang sumagot. Pagkatapos ay tumingin siya kay Luke na kumuyom ang panga. Sinungaling din pala itong si Lloyd. Ewan ko sa kanila!

“Luke! Tara dun! Nandito si uncle. Batiin muna natin siya sandali.” Bumuntong hininga si Luke at tumingin sakin.

“Okay lang ba na dito ka lang?”

“Sure. Walang problema. Go on.” Hilaw akong ngumiti sa kanila.

Hah! May patanong-tanong pa sya kung ayos lang ako dito? Iniwan niya ako at sumama sya dun sa babaeng yun? Mahalaga ba talaga yun? Pinili niyang sumama kaysa mag-stay. Akala ko ba gusto nya ako? Pero bakit hinila lang sya ni Jasmine eh sumama agad sya? I shouldn't trust him!Kinuha ko ang drink na nasa kamay ni Lloyd at saka umalis kasama ni Lyndon. Kanina pa niya akong niyayaya na sumayaw. Maybe, I'm rude kung hindi ko man lang sya sasamahan.

Tama nga ba itong gagawin ko? O gusto ko lang makita ako ni Luke na may kasamang iba? Ano kaya ang mararamdaman niya? Hindi ako mapakali kaya habang sumasayaw kami ni Lyndon sa dance floor ay kinuha ko ang isang vodka sa dumaan na waiter. Napasipol si Lyndon sa ginawa ko.

May ilang mga lalaki ang dumikit at sumayaw sa harap ko pero nagawa iyon paalisin ni Lyndon. Nagulat ako na kilala nila ako. Nakita raw nila ang pictures ko kasama ni Luke. I guess I'm not that attractive. Siguro ay kaya lang nila ako napansin dahil sikat ang naka-partner ko sa shoot.

Habang sumasayaw ako ay naramdaman ko ang hilo. Nakita ko sina Cha na masayang may kasayaw na iba. Gusto kong nang huminto sa pagsasayaw pero nakita ko si Luke at nakadikit sa kanya si Jasmine. May kausap silang isang lalaki.

Nang magtama ang mga tingin namin ay parang may nag-alab na apoy sa kanyang mata. Hindi... hindi siya nagseselos. Imposible. Dahil kung nagseselos siya ay hindi nya dapat ako iniwan kanina. Napahawak ako kay Lyndon nang na-out of balance na ako.

“Sorry... I think I need to go. Pwede bang umalis na ako? Huwag mo na sabihin kina Cha kasi nag-e-enoy pa sila. Ite-text ko na lang sila mamaya.”

“Ihahatid na kita.”

Gusto kong tumanggi pero parang lumalala ang hilo ko. Hinawakan niya ako sa bewang hanggang sa makalabas na kami sa bar. Hindi ko na makita nang maayos ang daan. May naririnig akong nag-uusap sa tabi ko pero wala akong maintindihan. Naramdaman ko ang pagbuhat sa akin hanggang sa nakatulog na ako.

May naaamoy ako... mabango. Parang... parang iyon ang amoy na pinak-paborito ko sa buong mundo. Naramdaman kong may humahaplos sa aking buhok hanggang sa wala na akong maalala.

Masakit ang ulo kong pumasok kinabukasan. Kinausap din ako nina Jane na sana ay nagpaalam daw ako sa kanila para sabay-sabay na kaming umuwi. Sinabi ko naman ang dahilan pero hindi sila kumbisido sa sagot ko. Alam ko naman na mali na iwan ko sila pero ayoko lang talagang masira ang kanilang gabi nang dahil lang sakin.

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon