Chapter 17 to Chapter 19

5.8K 144 8
                                    

Last event was a success~ Thank you for coming to our Gold Rising 3 event sa SM city Fairview! THANK YOU SA MGA BUMILI NG "MY CASANOVA HUSBAND!" Sa mga wala pa at pupunta sa SM BACOOR on July 12, 2014, mabibili nyo sya dun tapos may discount pa :)

==

Chapter 17

Isang linggo. Isang linggo na tila napaka-bagal ng mga araw sakin. Lutang ako at hindi ganun makausap nina Cha. Alam nilang may problema ako pero dahil hindi ako nagsasalita ay naisip nilang si Luke ang dahilan.

Halos mamatay na ako sa kakaisip kung bakit ganito? Bakit sa dinami-rami ng tao ay ako pa ang napili nyang lokohin? Kung kailan handa na akong umamin sa kanya doon ko pa malalaman na niloloko lang nya ako. Darn... ang sarap magmura! Ang sarap nyang suntukin! Ang sarap sipain ng nasa loob ng pantalon nya!

Pero mas okay naman na nalaman ko agad kaysa naman mas tumagal pa ang panloloko nya sakin. Darn, bakit nga ba ako nagpaloko eh artista yun? Sanay na syang umarte!

Kaya pala ganun na lang sila ng Jasmine na yun dahil may relasyon sila! Ang kapal naman ng mukha niyang itanggi si Jasmine pero sila naman pala. Eh tang ina naman ano?!

Galit na galit ako! Pero masakit... masakit kasi sya yung unang lalaking nagustuhan ko. Bakit kailangan nya pang dumating sa buhay ko? Dadaan lang naman pala sya at mang-iiwan sa ere? Bakit ko nasabi? Kasi sa isang linggong ito... hindi siya nagparamdam. Siguro masaya na sya ngayon sa Jasmine Du nya. Sige lang! Dun sya sa bruhita na yun! Pareho naman silang nagkukunwaring mga anghel sa harap ng camera at madaming tao pero ang totoo ay mga kampon sila ng demonyo! Tang ina, bitter na kung bitter!

Ganito pala kapag nasaktan ano? Gusto kong magwala! Gusto ko silang buwagin! Gusto kong maghiganti pero hindi ko alam kung paano. I'm a nobody pero nasa tuktok sila.

Tumulo yung luha ko. Naalala ko yung interview nya sa tv kasama si Lloyd... I thought it was me he was referring to. Hindi pala. Maybe kaya nasaktan din ako nang ganito kasi nag-expect ako na ako yung tinutukoy nyang babae. Nakakainis! Pero kung hindi naman siya nagsabi na gusto nya ako at nagpakita ng mga motibo ay hindi ko naman maiisip yun 'di ba?! Bwisit!

Nakahanda na ang damit ko para sa gaganapin na Christmas Ball. Niyaya ako ni Lyndon na maging date nya ngayong gabi kaya pumayag ako. 

"Pa, uuwi ako dyan bukas. Kailangan ko lang umattend ng Christmas Ball. Nandyan na ba si Ismael?"

"Wala pa sya. Sa isang araw pa raw siya uuwi. Mag-text ka sakin kapag pupunta ka na dito para makapagluto ako para satin dalawa."

"Opo."

Pagkatapos ng tawag ay saktong kumatok na sa pintuan ng maliit kong apartment si Lyndon. Nakabihis siya nang maayos at ngiting-ngiti sakin.

"You look good," sabi niya kaya ngumiti ako. "Don't get me wrong. Hindi lang ngayon but always Maureen."

"Bolero! But thank you! Ganun ka rin."

Tumabi siya at naglahad ng kamay sakin. "Let's go?"

Sakto na pagka-park namin ng sasakyan sa school ay katabi pala namin ang isang sasakyan kung saan bumaba si Cha at... ang isang lalaki?

"Cha?!"

Nagpatingin-tingin ako sa lalaki at sa kanya. Awkward naman na ngumiti si Cha sakin. Ngayon ko lang nakita yung lalaking kasama nya. Sino yan?!

"Hi Mau! Uhm... si... si Paul nga pala. Paul, si Maureen friend ko."

"Hi!" Nakipag-shake hands ako sa lalaki. Pagkatapos ay pinandilatan ko ng mata si Cha. Wala kasi siyang nasasabi sakin about sa lalaking yun.

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon