Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter Two

43.8K 1.2K 297
                                    

Chapter Two

Text

Someone has been bugging me through text for the past few days already. I was starting to get a little bit uncomfortable because of it. Dahil mukhang lahat yata ng galaw ko, alam niya.

I was quietly lying on my bed when Dylan entered my room. Pagilid ko siyang sinulyapan.

Was he here to bother me also?

Tamad kong iniwas ang tingin sa kanya nang tumabi siya sa akin.

"Ate, I'm bored," he said like I can do something about it.

He placed his arm over my waist in which I quickly removed. Minsan lang maging clingy 'tong kapatid ko, nakakadiri pa.

"Yuck! Ang laki-laki mo na, ganyan ka pa rin! Tumabi ka nga!"

Inirapan ko siya. Umusog naman ako nang kaunti para may mapwestuhan siya. I checked my phone once again. Tinitingnan ko nang paulit-ulit kung sino ba iyong nagte-text sa akin. I tried to think who would actually dare to send me these things...

Unknown Number:

You look so damn beautiful today.

I like that white off-shoulder shirt on you. Looks great.

Napabuntonghininga naman ako sa takot. Who could this possibly be? Wala naman akong ibang pinagbibigyan ng number ko maliban sa pamilya at mga kaibigan ko. Naramadaman kong sumilip si Dylan sa phone ko.

"Ano 'yan?" tanong niya.

Nilingon ko siya at saka inilayo ang phone ko para hindi niya makita ang iba pang text ng taong iyon.

"Wala," palusot ko.

I faced my back on him as he tried to force me to let him take a look at my phone.

"Uy! Ano 'yan!?" pagpupumilit niya.

Hindi talaga siya natinag at sinubukan niya pang agawin yung cellphone ko sa akin. Pero mabuti na lang at mabilis ako at agad ko rin itong nailayo sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala nga sabi."

Pero kahit anong pagpupumilit ko, hindi pa rin siya tumigil hanggang sa tuluyan na nga niyang nakuha ang telepono ko sa kamay ko. He must be that bored for him to bother me this much!

"Dylan!" I yelled at him as I try to get my phone back.

Tumayo siya upang mas ilayo ang telepono ko sa akin at para na rin hindi ko ito maabot. My eyes widened when I saw him scrolling down to look at the texts of this unknown number. His eyes widened while reading it.

"I like looking at you," binasa niya ng malakas ang isa sa mga text. "I hope you know how fucking beautiful you are."

Nagbasa siya nang nagbasa hanggang sa naubos na ito. I ran my hands through my face because of frustration.

"No freaking way!" he exclaimed.

Napaupo siyang muli sa kama ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa telepono ko. Nakangisi siyang bumaling sa akin. Magkahalong saya at gulat na ang mukha niya ngayon.

"Dylan! Give it back to me." Pinandilatan ko siya ng mata, nagbabakasakaling matakot ko siya at ibalik na sa akin ang telepono ko.

"You have an admirer in school! Wow!" he said like it was something so unbelievable.

Inilagay niya iyong kamao niya sa bibig niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nabasa.

"Hindi ko alam na may nagagandahan pa pala sa 'yo! Although, you're really beautiful in my eyes only if you weren't my sister. Pero malas mo kapatid mo ako, kaya pangit ka sa paningin ko."

A Beautiful Disaster (Donovan Series #1) (Published under LIB)Where stories live. Discover now